Jericho Rosales opens up about being single


Jericho Rosales points out what he misses about being in a relationship. "Ang struggle ko lang talaga yung medyo, if I wanna share something, wala akong mapag-share-an."



Naging open si Jericho Rosales nang mapag-usapan ang tungkol sa kanyang lovelife nang mag-guest siya nang live sa The Buzz last Sunday, June 28. Sinagot lahat niJericho ang mga tanong sa kanya ng TV host na si Boy Abunda.

Bago ang naturang live interview ay isang video essay muna ang ipinalabas tungkol sa mga kasiyahan at kabiguan ni Jericho sa kanyang buhay pag-ibig. Tinukoy rin dito ang mga babaeng naugnay sa kanya na kinabibilangan nina Kristine Hermosa, Cindy Kurleto, Heart Evangelista, Carmen Soo at ang latest nga ay si Karylle.


Narito ang naging pag-uusap nina Boy at Jericho:

Boy: Echo, napanood natin yung video essay na yun. If you were to tell us... if you were to teach us one lesson in love that you've learned, ano yun?

Jericho: Lesson in love? Mahirap yang magbigay kasi maraming ano e. But, basta pag ma-in love ka, enjoy-in mo yan. Huwag ka nang magbigay ng kahit anong hesitations kasi maa-achieve mo lang yung fulfillment sa love kapag binigay mo nang todo e. So, whatever happens, sabay ka lang sa biyahe.

Boy: Paano ka manligaw?

Jericho: Hindi ako marunong manligaw, e.

Boy: Talaga? I mean, flowers, notes...

Jericho: Well, siguro pag ano... pag gusto ko talaga yung girl, talagang all out na yan e.

Boy: All out meaning?

Jericho: Wala... lumalabas yung totoong ako. Yung tungkol sa akin.

Boy: Dumadalaw ka?

Jericho: Oh, yeah. Yun tama, pwede akong dumalaw. Pwede akong magpadala ng flowers, ng food. Mag-asikaso, mag-ganyan, lahat.

Boy: When was the last time?

Jericho: Yung maging total yayo.

Boy: Okay, kailan ka naging total yayo?

Jericho: Balikan pa ba natin yun? Hindi naman yayo. Ibig kong sabihin, maasikaso talaga ako.

Boy: Natagpuan mo na ba ang iyong dream girl?

Jericho: Hindi pa rin.

Boy: Talaga? Wala pa?

Jericho: Wala pa e.

Boy: Baka naman sobrang namimili ka?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Jericho: Hindi. Ang hirap na nga e, nakakalungkot na. Alam mo yun, parang gusto ko na. Wala pa, e.

Boy: Pero dadating yun...

Jericho: Yeah, I know dadating yun.

Boy: Can you function, I mean function profesionally even without a girlfriend? Or ikaw ba yung tipong artist na naghahanap ng inspirasyon?

Jericho: Well, marami akong nasulat na kanta na ano ako, inspired ako, na may ka-partner ako, di ba? Maraming magagandang bagay. This year na-try ko nang wala. So, ang struggle ko lang talaga yung medyo, if I wanna share something, wala akong mapag-share-an, di ba?

Boy: Why don't you write songs about heartbreak?

Jericho: Ang dami ko na rin. Ang dami na, e.

Boy: But there is something special happening in your life?

Jericho: Yeah, it's true. And it's not whatever or kung anuman yun.

At dito nga ay ibinunyag na niJericho ang tungkol sa magaganap na date niya para sa promo ng isang brand ng shampoo. Excited nga siJericho na makipag-date sa isang girl na hindi niya kilala lalo na nga't single siya at walang karelasyon ngayon. Magaganap ang date na ito saPalawan.

Jericho: Sa buong career ko, ni hindi pa ako nanalo ng date. So, hindi ko alam. I'm really excited. Nataon pa na single ako.

Boy: It's the first time you're doing this?

Jericho: Yeah it's the first time.

Boy: Kinakabahan ka?

Jericho: Oo, kinakabahan ako.

Boy: Sabi ko nga the possibilities are infinite. So, let's be happy. Ano kaya ang magiging reaksyon mo kung ang girl pala na naghihintay sa Palawan ay si Karylle?

Jericho: Okay din, matagal na kaming ano, e... nagpaplano ng mga gimik saPalawan. Kasi yung soap talaga namin dapat sa Palawan dapat, e.

Boy: Deretsahang tanong ito, kayo na ba ni Karylle?

Jericho: Hindi po.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN