Michael V recalls his initial meeting with Ogie Alcasid


Michael V narrates a practical joke that was done on him during his Yari Ka! days.



Ayon kay Mo Twister, isa sa mga host ng Showbiz Central, he's very honored dahil first time lang daw na sumalang ni Michael V sa kanilang show. Na sinegundahan naman ni Bitoy, ang palayaw ni Michael V.


Sa segment nga ni Mo na Mo's Wanted sumalang si Michael V kunsaan ilan sa mga kaibigan niya sa showbiz ang namili ng tanong sa kanya and some of his daily entourage like his production assistant and make-up artist.


Mo's first question, since sa Bitoy's Funniest, madalas mangyari ang mga practical jokes, ano naman ang makokonsider raw niyang "Yari Ka!," moment?


"It happened actually sa show na Yari Ka!, during the pilot episode na tine-tape namin, napagkaisahan ako noong creative team. So, instead of me doing the prank, may isang babae na sumakay ng taxi. Kasi, ang role ko noon was a taxi driver. Tapos, niyari ako. Nag-pretend na passenger siya and yet, siya pala ang apprentice. So, pinapapapunta ako kung saan-saan.


"Pinapapunta ako sa hospital sa Paranaque. E, nasa Quezon City ako noon, sabi ko, wala sa ruta ko. Nagalit! May tatawagan daw na kung sino-sino, lawyer, judge...so, parang...that was the first time na nayari ako in my own show actually."


Pero good sports ka naman?

"Oo naman..."


Sa ikalawang tanong, noong hindi ka pa artista, sumali ka sa maraming contest sa TV. And when you joined the contest in Eat Bulaga and isa si Ogie Alcasid sa mga judges. Nagalit ka ba sa kanya when you look back na hindi ka nanalo?


"Nagalit would be too strong a word. Nainis. Pero that time kasi, isa siya sa mga judges. Tapos, ipinakita sa akin ng isa sa mga P.A. ‘yung score sheet. Yung P.A., classmate ko noong college. Ang baba ng ibinigay sa akin ni Ogie, siya ‘yung nagbigay ng pinakamababang score kaya ako natalo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Tapos, noong nasa backstage kami, nag-uusap kami ng partner ko, biglang dumaan. E, hindi niya alam siya ang nagpatalo sa akin. Tapos, nag-aayos pa ng damit. So, parang, nakakainis ‘yun."


Isang rap contest daw ‘yun for Eat Bulaga at ang ka-partner niya noon ay si Lady Diane.


"Pero kami ni Ogie...nakita n'yo naman kung ano ang nangyari."


Sabi nila, karamihan ng mga comedian, may tinatagong sadness. The term they used is sad clown or crying clown. Inside, may konting sadness. Do you have that?


"Hindi siguro sad, more on mad clown...Hindi dahil crazy or sira-ulo. I tend to be perfectionist when it comes to my craft. So, madalas kapag may script, may mga inaayos, tapos, hindi nagawa to a T, medyo napu-frustrate ako."


So, mataas ang standard mo?

"Oo...naiinis ako. So, I get mad."


Hindi ka nagmumuni-muni?

"Oo...actually, madalas. But with the people I work with, I've been working with them for a long time. Nakuha na nila ‘yong rhythm. It's just for a while and it passes."


Ano ba ang bonding moments niya with his barkada?

"Bonding marami...kasi, dalawa ang grupo ko. One is the showbiz group, ‘yong isa, ‘yong mga barkada ko since grade school. Kapag bonding, isa lang naman ‘yan, kainan, kuwentuhan, inuman. And since teenager pa kami, San Miguel Pale Pilsen na ang iniinom namin, noon pa."


Bagong endorser nga raw si Michael V ng San Miguel. How does he feel?

"Ako, very fulfilled! Kasi, ang tagal-tagal ko ng pinapangarap na maging part ng San Miguel family. So, noong tumawag sila, ‘eto na, turning point na ito sa buhay ko. Parang mabigat, eh...ewan ko ha. Ako, parang proud to wear it talaga."


How was it like, since you have a TV commercial and how was it to shoot a San Mig commercial?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Very tense noon una kasi, kinakabahan ako. Pero after a few bottles siguro, umokey na. At saka, nag-enjoy ako with the group. Iba ang grupo, e. Nag-enjoy siguro ako since nakikita ko noon pa. It's very similar. Nagkaroon ako ng parang reminiscences.


"Parang ‘yong isang platitong mani at kasama ‘yan sa best of the best ng bansa natin noon, e. There was Gabriel Flash Elorde, Amang Parika sa billiard. Even Rico Puno at si Bert Tawa Marcelo na idol ko sa comedy."


Pero right now, it's Efren Reyes, Manny Pacquiao?

"Ako, na-star struck ako, lalo na kay Manny. Noong nakasama ko, sabi ko, aba, kasama ko, kainuman ko. Pero yung napansin ko sa mga nakasama ko sa commercial, very passionate sila in what they do. Kaya siguro pinagsasama-sama kami. Even si Derek Ramsay, I realized how passionate siya. Hindi ko kasi siya nakakasama, pero, na-realize ko how passionate he is with his sport."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN