Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now

Jolina Magdangal says that she and Marvin Agustin had an understanding in the past

by Rose Garcia
Jul 1, 2009
"Parang nagkaroon kami ng understanding ni Marvin noon na may gusto kami sa isa't-isa. Pero, ang sinasabi n'yo kasi, naging mag-on kami. Ang sinasabi ko, hindi. Kasi, wala namang naging official na tayo na. Sinasabi niya oo raw, pero, hindi. Baka akala niya, oo na," says Jolina Magdangal about her love team partner Marvin Agustin.


Fan Face-Off Edition naman ang ipinakita sa 2nd year anniversary presentation pa rin ng Showbiz Central noong Linggo, June 28. Si Jolina Magdangal nga at ang kanyang more than one decade ng loyal na tagahanga na si Poncing Catibog ang sumalang sa Fan Face-Off edition ng "Don't Like To Me" segment ni John Lapus sa naturang GMA-7 talk show.


Eleven years na raw solid fan ni Jolina si Poncing na ang turing na sa kanyang idolo ay little sister. Kaya ang tanong ni John kay Jolina ay kung kinakabahan daw ba ito na ang fan niya ang kanyang ka-face off?


"Kinakabahan ako kasi, 11 years na nga niya akong kilala. Kaya baka mamaya may sinasabi ako na hindi ko maalalang nasabi ko pala. Uy, Ate Poncing, umayos ka ha!" natatawang warning pa ni Jolina rito.

Ang unang tanong ay kung totoo raw ba na may bagong manliligaw ngayon si Jolina dahil iba ang glow nito ngayon, after niyang makipag-break kay Bebong Muñoz last year?

Continue reading below ↓


Parehong yes ang naging tugon ni Jolina at ng kanyang fan at parehong truth ang lumabas.


Tanong ni Sweet kay Poncing ay kung nakita na raw ba nito ang manliligaw ni Jolina? "Sa picture..."

So, noong nakita mo sa picture, pabor ka ba? "Of course!" mabilis na sagot nito.


Kaya tanong ni Sweet kay Jolina, kailan daw ba ito makikilala?

"Makikilala n'yo rin siya," natatawang sabi ng aktres.


Hopefully this year? "Oo naman! Siyempre, naman."


Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal), inamin ng dalaga na may napupusuan siyang lalaki na nanliligaw sa kanya ngayon. Ayaw pa niyang sabihin kung ano ang pangalan nito pero sinasabing bahagi siya ng music industry. (Click HERE to read related article)


Marami ang natuwa sa balik-tambalan n'yo ni Marvin Agustin. At kaya naman daw maganda ang chemistry n'yong dalawa, dahil once and for all, totoo nga bang nagkaroon ng relasyon nina sina Marvin at Jolina?

Continue reading below ↓


Both answered a no, but the result also revealed a lie for both of them.

"Parang ano naman, parang nagkaroon kami ng understanding ni Marvin noon na may gusto kami sa isa't-isa. Pero, ang sinasabi n'yo kasi, naging mag-on kami. Ang sinasabi ko, hindi. Kasi, wala namang naging official na tayo na. Sinasabi niya oo raw, pero, hindi. Baka akala niya, oo na," paliwanag ni Jolina.


Niligawan ka ba ni Marvin noon, hindi mo lang sinagot?

"Hindi...naging sweet naman siya sa akin...dati," natatawang sabi ni Jolina.


Ikaw ba, kayong mga fans ni Jolina, payag ba kayong si Marvin ang makatuluyan nito in the future?

"Kung saan siya liligaya," sagot naman ng loyal fan ni Jolina.

Sa huli, natatawang nag-promote nga si Jolina ng kanilang komediserye na Adik Sa ‘Yo, kunsaan first time raw yata siyang nabuntis at napakaraming kissing scene na nagagawa niya na hindi raw niya maintindihan.

Read Next
Recommended Videos
Latest Stories

Get a chance to WIN an overnight stay in Pico de Loro and other prizes when you answer the PEP.ph Reader’s Survey!

Answer Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Parang nagkaroon kami ng understanding ni Marvin noon na may gusto kami sa isa't-isa. Pero, ang sinasabi n'yo kasi, naging mag-on kami. Ang sinasabi ko, hindi. Kasi, wala namang naging official na tayo na. Sinasabi niya oo raw, pero, hindi. Baka akala niya, oo na," says Jolina Magdangal about her love team partner Marvin Agustin.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results