Wendy Valdez and Will Devaughn star in "Once in a Lifetime Love"


Wendy Valdez plays a psychologist named Sabel while Will Devaughn is cast Monty in the Bud Brothers episode titled "Once in a Lifetime Love."




Isang bagong love team ang ipapakilala sa Precious Hearts Romances (PHR) presents Bud Brothers tuwing hapon ng weekdays sa ABS-CBN.

Ang bagong kuwento na tampok sa PHR Bud Brothers ay ang "Once in a Lifetime Love" na siyang pagbibidahan nina Wendy Valdez at Will Devaughn. Tiyak na inaabangan ng lahat ang mainit na love scene ng psychologist na si Sabel (Wendy) at ng hot bud brother na si Monty (Will).

"Iniisip ko na lang na purely work lang yung ginagawa namin. Dati I'm so conscious pag dating sa mga ganung scenes but now, I have my motivation na kapag gagawin ko ang isang bagay dapat ayusin ko na!" prangkang pag-amin ng sexy actress.

Obvious na obvious ang kaligayahan ng Pinoy Big Brother Season 2's most controversial housemate dahil sa mga projects at pag-arangkada ng kanyang career. Inamin din niya na masarap katrabaho si Will, na siyang na-discover rin sa reality show ng ABS-CBN.

"Masarap siyang kasama. He's a very nice person and has a good sense of humor. I always laugh because hindi siya expert sa pagtatagalog. I had the impression na mayabang siya pero hindi naman pala, and may ESP si Will! Kasi before palang ng presscon namin, he has this feeling daw na kaming dalawa ang magka-partner," masayang tugon ng dalaga.

Mahuhulaan kaya ni Sabel na siya ang mahal ni Monty thru her psycho-analysis at dream interpretations? Matatagpuan kaya nila ang pag-ibig sa isa't-isa? Ano na naman kaya ang gagawin ng Bud Brothers para sa problema ng kaibigan nila?

Manatili sa pagsubaybay sa Precious Hearts Romances presents Bud Brothers pagkatapos ng Kambal sa Uma sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN