Maricar Reyes paired with Sid Lucero in Gaano Kita Kamahal


See Sid Lucero and Maricar Reyes have a forbidden love affair in Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal. It will on ABS-CBN starting this Sunday,July 5, right after ASAP '09.


Unang napansin si Maricar Reyes bilang Candy sa I Love Betty La Fea. Mula sa isang doktor who does parttime modeling, pinasok ni Maricar ang showbiz dahil sa isang face cream commercial.


Agad siyang pinahanap ng ABS-CBN para maging cast ng I Love Betty La Fea. Simula noon, marami na ang nakapansin ng lalim ng pagganap ni Maricar.


Bagama't nalagay sa isang iskandalong hindi niya inaasahan, hindi ito naging hadlang para ituluy-tuloy ni Maricar ang nasimulan niyang showbiz career. Mainit pa rin ang pagyakap sa kanya ng ABS-CBN at Star Magic.


Sa kasagsagan ng dagok sa personal na buhay ni Maricar, nagsunud-sunod naman ang offers sa kanya. Kasalukuyang ipinalalabas ang mga eksena ni Maricar sa top-rating teleserye na May Bukas Pa bilang taong-grasa.


At sa Linggo, July 5, ay bida si Maricar sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal. She plays a piano teacher na mai-involve sa isang guy (Sid Lucero) who is already committed to Jodi Sta. Maria. Ang iisang passion nila sa music ang magiging-daan para sa bawal na pag-ibig.


Isa si Erick Salud sa mga unang direktor na nakatrabaho ni Maricar sa telebisyon. Nagkasama sila sa I Love Betty La Fea. At sa Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal ay muli na naman silang nagkatrabaho.


Ayon kay Direk Erick, "She's one new star who is as if she's not new in the industry. Natural umarte at may lalim. Given more challenging roles, she can be elevated to the status of a seasoned performer. On the set, she is quiet. But once you talk to her, she will not run out of stories to tell. Magaan siya katrabaho. And she is one person who is unfazed by the problems around her."


Bukod kina Maricar, Jodi at Sid, kasama din sa cast sina Bettina Carlos, Boom Labrusca at Quintin Alianza. Mula sa script ni Joel Mercado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magsisimula nang mapanood ang Your Song Presents: Gaano Kita Kamahal sa July 5, Sunday, pagkatapos ng ASAP '09 sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN