Jeffrey Jeturian talks about the stars of The Wedding


Jeffrey Jeturian (inset) talks about the stars of his primetime teleserye The Wedding, which is expected to run for ten weeks on ABS-CBN.



Busy sa pagdidirek ng iba't ibang dramang pantelebisyon ang multi-awarded na si Jeffrey Jeturian, kaya halos hindi niya napapansing tatlong taon na rin ang lumipas mula nang gawin niya ang Kubrador (2006), which won honors here and abroad.

"Busy kasi ako sa TV, e. Hindi pa naman tapos ang script nung gagawin ko sa Star Cinema, kay Chris Martinez [scriptwriter]," pag-inform ni Direk Jeffrey nang makausap siya ng PEP (Philippine Entertainmant Portal).

Gustong gawin ni Jeffrey ang pelikulang tungkol sa mga babaeng nagtatrabaho sa call center, na aniya'y tinatapos gawan ng script ni Chris.

Mula rin sa Palanca award-winning screenwriter na si Chris ang Bridal Shower, na directorial comeback ni Direk Jeffrey noong 2004, matapos niyang gawin ang Tuhog noong 2000.

Samantala, may sinimulang indie project si Direk Jeffrey late last year, ang Parangal, based on Bing Lao's gay-themed screenplay for Quantum Films. Pero kinailangang i-shelve muna ito dahil masyadong malaki ang production cost. Kapalit nito'y may panibagong offer ang producer na si Atty. Joji Alonso sa direktor.

Habang wala pang sinisimulang movie project, nagdidirek nga si Direk Jeffrey para sa mga teleserye ng ABS-CBN, tulad ng Only You at The Wedding (parehong pang-evening primetime). Isa rin siya sa mga resident directors ng top-rating drama anthology na Maalaala Mo Kaya ng Kapamilya Network.


THE WEDDING. Masaya si Direk Jeffrey na nasimulan nang isahimpapawid ang bagong teleserye na pinagbibidahan nina Derek Ramsay, Zanjoe Marudo, at Anne Curtis, na isa sa pinakapaborito niyang idirek among the current batch of young actresses.

"Nakatrabaho ko na si Anne noon pa, sa Pira-Pirasong Pangarap. Isa siya sa totoong mabait na artista, na magaling umarte," pagpuri ni Direk Jeffrey kay Anne.


Hindi nagbabago ng statement si Direk Jeffrey; laging ganito ang sinasabi niya about Anne.

Nang tanungin siya ang actresses na hindi niya type ang ugali, Direk Jeffrey would rather not comment. One thing is sure, hindi niya gugustuhing makatrabaho ang sinumang artistang hindi niya makakasundo ang pag-uugali; either sa personal na aspeto, o sa taglay na work attitude.

Sa Only You (bida sina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo) ay katuwang na direktor si Direk Jeffrey. Sa The Wedding, siya ang main director at challenging para sa kanya ang magdirek ng isang teleserye material na hindi masyadong heavy drama.

"It's more of a romantic comedy kaya underplayed ang emotions, hangga't maaari," sabi niya. "Surprising para sa akin si Zanjoe [Marudo], hindi ko kasi in-expect na mahusay pala siyang umarte, magaling siyang mag-emote sa mga dramatic scenes; natural ang akting niya."

Coming from a director like Direk Jeffrey, such words should inspire an actor like Zanjoe Marudo to do even better. At mapapanood 'yan ng publiko in the next couple of months or so, or kung totoo mang walo hanggang sampung linggo (barely three months) lang ang itatagal ng The Wedding.

"Yun ang itatagal ng series, base sa story, dahil umalis na rin si Michael [de Mesa, playing the role of Anne's father], nagpunta ng U.S.," pag-inform pa ni Direk Jeff.

Mahalaga sa direktor na maayos ang itatakbo ng kuwento, sa kabuuan ng teleserye, kung hindi man ito mai-stretch, tulad sa tipikal na mga teleserye.

"Buti nga nai-aire na, e; na-hold siya nang matagal, nagkaproblema, tulad ng [Habang May Buhay] na bida din si Anne. Ewan lang kung anong naging problema do'n, pero dito [The Wedding], masaya naman kami sa work namin, kaya tuluy-tuloy lang hanggang matapos."

This week, nakatakda ring gawin ni Direk Jeffrey ang isang Maalaala Mo Kaya episode, kung saan magtatagisan sa pag-arte, bilang feuding sisters, ang parehong seasoned actresses na sina Agot Isidro at Eula Valdes (also in The Wedding, as Anne's mother).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN