Ruffa on Ai-Ai: "I hope hindi siya galit sa akin."



"Basta alalahin niya na lang that when God closes a door, He opens a window. Ako rin naman kasi—ito belief ko—kapag sa akin, akin talaga. If not, so be it," Ruffa Gutierrez advises Ai-Ai delas Alas.



Ang ABS-CBN mismo ang pumili kay Ruffa Gutierrez-Bektas para maging temporary replacement ni Kris Aquino sa The Buzz. Starting last March 11, until April 8, Ruffa replaces Kris sa Sunday showbiz-oriented talk show ng ABS-CBN.

Kahit si Ruffa ay nagulat dahil alam niya namang hindi siya kasali sa mga original choices. Kahit siya, nabasa rin niya na si Ai-Ai delas Alas ang magiging replacement ni Kris upon Kris's recommendation. Ang iba pang pinagpipilian ay sina Gretchen Barretto at Rosanna Roces.

"Sino ba naman ako para tumanggi?" sagot ni Ruffa over lunch sa Dulcinea for the formal announcement of her entry sa The Buzz.

Walang masabi si Ruffa kay Ai-Ai about this dahil pinili lang din naman daw siya ng management.

"I've known Ai-Ai since 1989. She played our maid sa 13, 14, 15—the sitcom together with Carmina Villarroel and Aiko Melendez. Natutuwa nga ako sa kaniya that through the years, she's become a big star," kuwento ni Ruffa.

Aniya pa, "I hope hindi siya galit sa akin. Basta alalahin niya na lang that when God closes a door, he opens a window. Ako rin naman kasi—ito belief ko—kapag sa akin, akin talaga. If not, so be it."

Walang exclusivity si Ruffa pagdating sa television appearance.

"I'm friends with all the stations," sabi ng host din ng Philippines' Next Top Model sa RPN-9.

"Kita n'yo naman, sa March 25 episode [ng The Buzz], kahit nasa Hong Kong ako that time for the finals of Next Top Model, babalik muna ako sa Pilipinas to do The Buzz. Saka na lang ako lilipad pabalik ng Hong Kong that same night," banggit pa ng dating Miss World 2nd Princess.

Ruffa will be in Hong Kong from March 22 to March 28. Nakalimutan niya rin na between those days ay ang kanilang fourth wedding anniversary ni Yilmaz Bektas. They were married March 25, 2003, sa NBC Tent sa The Fort.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oh, my God! I better invite Yilmaz sa Hong Kong! Remember, si Lorin doon namin ginawa?!" natatawang sabi ni Ruffa.

Ayon kay Ruffa, mas sini-celebrate daw kasi nila ang unang araw ng kanilang pagkikita, which was May 11, 2000, sa Cannes Film Festival; siya as a host for a show, at si Yilmaz naman was vacationing.

Going back to Ai-Ai, nabanggit kay Ruffa na ang top comedienne din ang nangunguna sa survey rito sa (PEP) Philippine Entertainment Portal bilang replacement kay Kris.

"If that's who they want, wala akong magagawa," sabi niya. "As long as constructive ang criticism, I can accept naman, but the point is ako ang pinili ng ABS. They can always replace me pagkatapos ng stint ko."

Ikinuwento rin ni Ruffa na nagkausap na raw sila ni Kris last Sunday rin. Kris texted her daw to say na maganda ang shoes niya at magaling siya. Tumawag din daw si Ruffa kay Kris to say thank you, kahit hindi siya ang personal choice nito. Iniba na lang daw ni Kris ang topic at ibinalik sa shoes.

May isa pang magandang nangyari sa pagtanggap ni Ruffa ng The Buzz— nagkausap at nagkaayos na rin sila ni Cristy Fermin. Matatandaang idinemanda ng pamilya ni Ruffa si Cristy for libel at kasalukuyang nasa Supreme Court na ang kaso.

"When I was offered the job, ang isa sa mga unang tanong sa akin, kung okay lang na makipag-banter ako kay Cristy. I'm a professional. If I have to do it, why not?" sabi ni Ruffa.

From hereon, tinawag niya na ring "Tita" si Cristy. First time daw nilang nagkaharap since 1995.

"In fairness, si Tita Cristy ang pumasok sa [dressing] room ko and then hugged me to say 'hi.' Nagulat ako, pero I'm happy. Maybe this is one of the reasons kung bakit ibibigay sa akin ang show. Sino ba naman ako not to accept her? Everyone deserves a second chance especially if the person is reaching out," paliwanag pa ng actress/beauty queen/model/TV host.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last Sunday, March 18, ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama naman ang naging guest ng The Buzz. Ibinalita ng PEP ang naging mga tugon ng kanyang ina sa pagkakataon na iyon, kung saan sinabihan ni Annabelle ang kanyang unica hija bilang isang plastic na tao .


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN