LJ Reyes unsure if she is being courted by Paulo Avelino

by Rose Garcia
Jul 7, 2009
LJ Reyes (main photo) says that she is unsure if Paulo Avelino (inset) is courting her but she did admit that she is close to the StarStruck 4 Avenger.

Ang young star na si LJ Reyes at isa sa mga kontrabida sa teleseryeng All My Life ang sumalang sa Lie Detector Test ni John "Sweet" Lapus. Ang July 5 episode ng Showbiz Central ay tungkol sa mga controversial na mga babae at si LJ nga raw ay kabilang dito.


Bagamat matagal ng tapos ang relasyon ni LJ at ng actor na si Alfred Vargas ang tungkol pa rin dito ang madalas na naitatanong sa kanya.


Una ngang tanong ni Sweet, since sa OMG segment daw nila, ipinakita ang video clip kunsaan kasama ni Alfred ang kanyang non-showbiz girlfriend na isang Italian-Filipina. Sa ngayon ba, masasabi na ni LJ na she's happy that her ex-boyfriend ay may new boyfriend na?


Mabilis na yes ang sagot ni LJ at ang resulta naman ay truth.


Ayon kay Alfred, civil naman daw kapag nagkikita sila, pero, hanggang doon na lang daw ba yun at malabo na kahit maging friends?

Continue reading below ↓


"Posible naman, kaya lang kasi sa amin, hindi kami nagkaroon ng chance na makapag-heart-to-heart. Wala kaming ganoon."


So, nakapag-move on na lang kayo pareho?


"Oo...ganoon lang talaga. At saka, matagal na naman yung sa amin, ang tagal-tagal na nu'n."


Madalas daw kayong makitang magkasama ni Paulo Avelino. Sa prangkahang usapan, nanliligaw ba sa ‘yo ngayon si Paulo?


"No," ang sagot ni LJ at ang resulta ay lie.


"Hindi naman, e," natatawang sabi ni LJ.


Pero close kayo ni Paulo ngayon? "Opo..."


Pero hindi nanliligaw?


"Hindi naman yata," natatawa pa rin niyang sabi na parang hindi sigurado.


Kung sakali, may pag-asa ba?

"Tingnan na lang natin, mabait naman si Paulo, e."


For the third question, marami ang nakakaalam na very close raw kayo ng iyong mommy. Involved raw ito sa mga aspect ng iyong buhay, particularly sa lovelife. Pero, totoo raw ba na ang mommy mo rin daw ang nasusunod pagdating sa pagpili ng magiging boyfriend mo?

Continue reading below ↓


Ang sagot ni LJ ay "No," at ang resulta ay truth.


"Ang mommy ko naman kasi, ever since, hindi siya nagkulang sa paalala. Palaging ganoon, paalala lang. Hindi siya nakikialam. Pero kapag may nakikita na siyang mali, hindi maganda, saka lang siya nagsasalita."


With Alfred, hindi naman ang mommy niya ang pumili?

"Hindi...hindi."


So kung liligawan ka ni Paolo, ikaw ang magde-decide?

"Oo ako...pero siyempre, gusto kong ma-meet muna siya ng mommy ko kung sinuman ang magiging boyfriend ko."

Read Next
Recommended Videos
Trending on PEP.ph
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
LJ Reyes (main photo) says that she is unsure if Paulo Avelino (inset) is courting her but she did admit that she is close to the StarStruck 4 Avenger.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results