'Asian Treasures' invades Thailand


Angel Locsin and Robin Padilla (pictured) experience an elephant ride, a favorite tourist attraction in Thailand, where Asian Treasures is currently taping.


Bangkok, Thailand—Going smooth ang taping ng GMA-7 primetime action-adventure series na Asian Treasures dito sa Thailand.



Kinunanmuna ang mga eksena sa Chiang Mai habang hinihintay ang permit ng ThaiFilm Board para makapag-shooting sa Bangkok temples.



Maghapon na nag-taping sa Muay Thai Institute sa Rangsit, Bangkok ang lead stars ng Asian Treasures na sina Robin Padilla, Angel Locsin, Marvin Agustin, at Diana Zubiri.



Nakita namin sa Muay Thai Institute ang dalawang anak na babae ni Robin at kasama nila ang ina ng aktor na si Eva Cariño. Tatlong buwan nang mamamalagi sa Bangkok ang mga anak ni Robin dahil nag-aaral sila ng Muay Thai.



Ipinakitasa amin ni Robin ang short article with photo ng kanyang anak na siQueenie na lumabas sa isang diyaryo rito sa Thailand. Nakalagay saartikulo na anak si Queenie ng isang sikat na action star sa Pilipinas,pero wala siyang plano na mag-artista. Mas gusto raw niya na magingeksperto sa Muay Thai, ang number one martial arts sa Thailand.



Noong March 20, ipinasundo ni Robin ang kanyang mga anak para magkasama sila. Nakatiraang ina at mga anak ni Robin sa isang hotel na malapit lamang samartial arts school na pinapasukan nila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN