PBB evictee Jeremy Hidano squeals on the other housemates


"Gusto ko po munang mag-stay dito [sa Pilipinas] ng one or two months o hintayin ko nang matapos ang PBB 2sa June. Titingnan ko po kung may pag-asa akong magka-career dito. Kungwala po naman, babalik na lang ako sa parents ko sa Japan," says Jeremy Hidano, one of the first Pinoy Big Brother 2 evictees.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) ang isa sa first two evictees ng Pinoy Big Brother (PBB) 2 na si Jeremy Legaspi—ang tinaguriang Hari ng Anime—noong March 21, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Bondleos Jeremy Legaspi Hidano ang real name ni Jeremy. Ipinanganak siya noong December 21, 1986 sa Mountain Province. Wala siyang dugong Hapon dahil ang mother niya ay Filipina at ang biological father niya ay half-Filipino, half-Chinese. Nine years old siya nang pumunta ng Japan para makasama ang ina na nagpakasal noon sa isang Japanese. Mabait daw ang kanyang stepfather at very supportive sa pag-join niya sa PBB.

Bakit marunong pa rin siyang magsalita ng Tagalog kahit matagal na siyang naninirahan sa Japan?

"Ayoko pong kalimutan ang pagsasalita ng Tagalog," sabi ni Jeremy. "Ayoko pong matulad sa ibang Pinoy doon na ayaw nang magsalita ng Tagalog dahil hindi raw naman po good ang Pilipinas at mas maganda raw po sa Japan.

"Sa Imus, Cavite po ako umuuwi, sa kapatid ng mother ko. Last year, umuwi ako ng Pilipinas dahil inayos ko na po ang tungkol sa real father ko na 15 years kong hindi nakita. At sana nga po ay ayos na kami, sabi niya ay wala naman siyang bagong family," kuwento pa niya.

Na-miss ni Jeremy ang graduation niya sa Japan Animation Manga College, kung saan nagtapos siya ng Voice Acting and Theater, last March 13 dahil nasa Bahay ni Kuya na siya that time. Kung wala raw mangyayari sa kanya rito, babalik na lang daw siya ng Japan to be a voice actor. Nagbigay pa nga siya ng samples ng ilang voice acting niya sa entertainment press na ikina-impress ng lahat.

Two weeks na "nakulong" si Jeremy sa Bahay ni Kuya, with three other secret housemates na sina Mikah Dizon, Bodie Cruz, at Maricris Dizon sa isang hotel at one week lang sila nag-stay sa Bahay ni Kuya. Through text votes, sina Jeremy at Mikah ang unang na-evict.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang naramdaman niya nang isa siya sa mga unang natanggal?

"Nalungkot po ako," pag-amin ni Jeremy.

"Dream come true po kasi sa akin nang tawagan nila ako para pumunta ng Pilipinas at maging isa sa housemates. Pero hindi po ako roon nag-focus. Sa halip po na tanungin ko si Lord kung bakit ako ang natanggal, ang itinanong ko po, bakit ako ang napili ng PBB sa dami naming nag-audition noon sa isang venue sa Ropponggi in Tokyo," positibong sagot ni Jeremy.

Ayon kay Jeremy, nalaman daw niya ang audition ng PBB dahil sa mahilig siyang manood ng mga shows ng ABS-CBN sa TFC. Pinayagan din daw siya ng kanyang ina na mag-audition.

"Gusto ko po munang mag-stay dito [sa Pilipinas] ng one or two months o hintayin ko nang matapos ang PBB 2 sa June. Titingnan ko po kung may pag-asa akong magka-career dito. Kung wala po naman, babalik na lang ako sa parents ko sa Japan," pahayag pa ni Jeremy.

Kahit one week lamang nag-stay si Jeremy sa Bahay ni Kuya, naging malapit daw siya agad kina Beatriz at Mikah, at kay Nel, na ibinuko niyang bading pero mabait at naging kaibigan niya agad. Si Bodie, na anak ng celebrity couple na sina Tirso Cruz III at Lyn Ynchausti, ay mabait din daw pero masyadong tahimik kaya hindi sila masyadong naging close kahit noong sila lamang apat ang magkakasama.

Inamin din ni Jeremy na hindi naging maganda ang naging pagsasama nila ni Maricris. Nilalayuan daw niya si Maricris dahil hindi raw maganda ang pag-uugali nito. Nalaman din daw niya na pagkatapos niyang ma-evict, marami pang sinabi si Maricris against him.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN