The Yoyo Tricker targets TV5's Talentadong Pinoy Hall of Fame


Will Joshua Rafael Davis a.k.a. The Yoyo Tricker be the youngest contestant to bag the "Hall of Fame" championship title in TV5's Talentadong Pinoy?


Nasaika-lima at huling performance na ngayong Sabado, July 18, saTalentadong Pinoy ang 13-taong-gulang na batang si Joshua Rafael Davis,kilala bilang Yoyo Tricker na hindi lamang nagpahanga sa mga manonoodng kakaibang galing niya sa yoyo exhibition kundi umantig din sadamdamin ng napakaraming tao dahil sa kuwento ng pagpanaw ng kanyangkapatid na kasama niyang nangarap na makilala sa larangang pinasok niya.


Nagtala ng napakataas na viewership ratings ang episode ng Talentadong Pinoy noong Sabado, July 11,ang ikaapat na linggo na naipanalo ni Joshua ang titulo niya bilangdefending champion, at iniluklok nito ang programa bilang No. 1 sawhole day ratings, base sa audience share figures na galing sa AGB-NMRMegaTAM Total Individuals ratings report. Nakapagtala ang TalentadongPinoy ng 26.2% ratings (38.4% audience share ratings) na highest amongall local TV shows sa buong araw noong Sabado. Tinalo ng Talentadong Pinoy hindi lang ang mga katapat at kalaban nitong talent shows na Are You The Next Big Star? ng GMA-7 at The Singing Bee ng ABS-CBN, kundi maging ang iba pang top-rating shows ng dalawang bigating networks.


Marami talagaang sumusubaybay sa pakikipagsapalaran ng batang Yoyo Tricker na siJoshua at napamahal na din sya sa mga manonood. Bukod sa kanyangangking talento sa yoyo exhibition, naniniwala si Joshua na bahagi ngkanyang tagumpay ay ang patuloy na pagsubaybay ng kanyang mahal na KuyaBugoy na namatay sa brain cancer noong April 20 kung kelannagpe-prepare sana silang magkapatid na magkasamang mag-audition sanaturang reality talent show ng TV5.


Idea ngmagkapatid na sumali sana sa Talentadong Pinoy at mag-perform bilangpartners pero hindi na nga ito nangyari dahil pumanaw ang Kuya Bugoy niJoshua bago pa sila nakapag-audition. Nalungkot man sa pagkawala ngkanyang kuya, ipinagpatuloy ni Joshua ang pangarap nilang magkapatid atsumabak pa din siya sa Talentadong Pinoy auditions noong June 1.


"Inaral ko po yung ibang hindi ko pa perfect na tricks," ani Joshua, na inamingkinailangan niyang i-modify ang mga napag-aralang yoyo tricks para sakanyang solo performance.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


At hindi nganabalewala ang paghihirap ni Joshua dahil itinanghal siya bilangTalentadong Pinoy winner noong June 20, ang araw ng ika-17 na birthdaysana ng kanyang yumaong kuya. Sa paniniwalang hindi siya iniwan ngkanyang kuya at kasama pa din niya itong inaabot ang kanilang pangarap,ipinagpatuloy ni Joshua ang kanyang winning streak sa reality talentshow sa mga sumunod pang linggo. Nanalo na siya ng total of P200,000 atmadadagdagan pa ng P50,000 ito kung makukuha niya ang ika-lima niyang panalo.


Ayon pa kay Joshua, inaalay niya raw ang lahat ng laban niya at tagumpay sa kanyang Kuya Bugoy.


Kapag nakapasok si Joshua sa Hall of Fame, siya ang tatangahalin na pinakabatang miyembro ng Hall of Fame. Ang mga nakaraang titleholders ay ang "The Acrobatic" Gutierrez Family and Wan Lu the puppeteer.


At ngayongSabado, July 18, malalaman na kung maisasakaturaparan ni Joshua angpangarap nilang magkapatid sa kanyang huling bid para ipagtanggol angkanyang titulo bilang Talentadong Pinoy. Kayanin niya kaya ang mgabagong makakalaban niya na may angking iba't ibang talento paramakapasa sa panlasa ng mga hurado at maitanghal bilang TalentadongPinoy Hall of Famer?


Huwag palagpasinang kaabang-abang na episode ng Talentadong Pinoy ngayong Sabado, 7:00ng gabi sa TV5, at tunghayan ang huling pagtatanghal ni Yoyo Trickerpara maabot ang kanyang pangarap.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN