Philippine Idol's Pow Chavez stars in TV5's Goals and Girls


"Sobrang fast paced itong game na ito. Sakanakakapagod siya. Makikita niyo dito ang mga girls na naglalaro ng futsal,"said Pow Chavez about her new TV5 show Goals and Girls. It airs every Sunday right before Wow Mali.


Isang PhilippineIdol finalist ang nagbabalik telebisyon sa TV5. Si PowChavez, isa sa mga naging Top 5 contestants ng reality singing show, ay kabilang sa mga stars ng Goals and Girlsna mapapanood na sa TV5 tuwing Linggo at 5-6pm.


Ang mga main characters ng nasabing show ay sina EmpressShuck at Dino Imperial.


Kwento ni Pow na ang Goalsand Girls (or G and G, for short)ay isang Malaysian show na in-adapt para sa Filipino audience at tungkol sa futsal, isang indoor football game na kinahihiligan ng mga Pinoy ngayon.


Ang papel niya dito ay star player ng futsal team at closefriend ni Empress.

"Si Empress ang main character dito. Nag-re-revolve angstory around her and her group of friends. Kung saan kasama ako doon. I'm sortof their star player doon sa futsal team," kwento ni Pow ng ma-interview siyang Philippine Entertainment Portal (PEP) sa isang coffee shop sa Quezon City.

Ibig bang sabihin na magaling siyang futsal player?

"Di naman kagalingan," nakangiti sabi ni Pow. "Maybackground din naman ako as an athlete kasi I used to play basketball noongbata pa ako. Tapos, nung high school at college, nag-te-training talaga ako.So, sanay ako ng ganyan. Saka gusto ko yung maging active."

Kwento pa niya, "kaya ngayon ang ginagawa ko, eh nag-gi-gymako. Nanaba talaga ako kasi wala na ako training. Tapos yung kain ko, parangganun pa rin. So, todo diet ako ngayon."

Dagdag pa ni Pow na ang futsal ay isang panibagong sportpara sa kanya. Nakakilala niya na lang ang sport na ito dahil sa show.

Karamihan daw sa mga kasamahan ni Pow ay baguhan din gaya niya, tulad ni NikkiGuevarra, Kim Guevarra, DJ Valerio at Ryan Julio. Ilan din sa mga kilalangartista na kasama niya ay sina Paw Diaz, Lovely Rivero, Wilma Doesnt at TirsoCruz III.

Mapapanood na ang Goalsand Girls tuwing Linggo, 5 to 6 pm sa TV5 at mapapanood ito every Sundaybago ang Wow Mali.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN