Greggy Santos is grateful to be saved by text voters


Greggy Santos will perform the Michael Jackson song "This Girl Is Mine" on the July 25 episode of Are You The Next Big Star?


Nagkaroon ang GMA-7 ng press conference para sa mga finalists ng Are You The Next Big Star? Ginanap ito sa Souvenir Room ng GMA Network Center Annex noong July 22.

Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Greggy Santos na dalawang beses nang nano-nominate sa bottom 2. Ma-save kaya siya muli ngayong Sabado, July 25?

Ano ang feeling niya nang una siyang mabotong nasa bottom three?

"Nalungkot po ako, pero alam ko namang ginawa ko ang best ko. Sabi ko po sa sarili ko, babawi na lamang ako sa susunod kung hindi ako mai-eliminate. Iyon pong second time na nasa bottom two ako, kasalanan ko po kasi may nalimutan akong isang line sa kanta ko. Salamat po sa text voters, na-save nila ulit ako."

Malapit nang malaman kung sinu-sino ang papasok sa Final 6 ng naturang reality music competition. Sino sa palagay niya ang posibleng pumasok sa next round?

"Palagay ko po, papasok sina Alex Santos at Geoff Taylor, kasi magaganda po ang performances nila at magaganda rin ang comments sa kanila ng mga judges."

Greggy is twenty two years old and stands 5'10". He just graduated from Ateneo University last March with a degree in Management and Economics. His father is working at the Magsaysay Shipping and his mom is a dermatologist. Noong third year high school siya, may band siya ang tawag ay Underscore. Na-disband lamang nang second year college na siya. Bago siya sumali ng Are You The Next Big Star? naging contestant din siya ng Search for Male VJ sa QTV Channel 11 at siya ang nanalo roon.

He is being managed by Carlo Orosa and Audie Gemora pero hindi raw siya mahilig sa theater. Nagkaroon siya ng formal training in music sa Trumpets. Kaya nang malaman niyang may audition for the reality talent search, sumali agad siya at pinalad namang makasama sa top 16. Ngayon, pinagdarasal ni Greggy na makasama siya sa Final 6 at tanghaling the first New Big Star sa finals night sa August.

If ever na manalo siya, willing ba siya pumasok sa mga drama series ng GMA-7?

"Okay po sa akin iyon, gusto ko po iyong umaarte sa TV, kaya po nagwu-workshop din ako sa GMA-7."

This Saturday, July 25, sa Are You The Next Big Star? kakantahin nila ay mga songs ni Michael Jackson, at ang napili niyang kantahin ay "This Girl Is Mine." Makapasa na kaya si Greggy sa panlasa ng lahat ng mga judges at hindi na muli makasama sa bottom two?

Are You The Next Big Star? is hosted by Regine Velasquez and Keempee de Leon. The panel of judges is composed of Danny Tan, Mon Faustino, Annie Quintos, Randy Santiago and Pops Fernandez. They give critiques of the performances but the viewers decide the outcome through text voting.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN