Zyrene Parsad says her maturity is an advantage


Before she joined Are You the Next Big Star, Zyrene Parsad was a host for the NBN Network show called One Morning.


Ngayong Sabado, July 25, sampu na lang ang contenders ng Are You The Next Big Star? Pero another elimination na naman ang magaganap kung kaya't mas lalong nagiging mahigpit ang laban sa kung sino sa kanilang lahat ang posibleng makaabot as top 6 finalist.

Isa si Zyrene Parsad na humarap sa entertainment press kamakailan. Aminado siya na ramdam na raw niya ngayong lumiliit na ang bilang nila sa kumpetisyon.


"Okay naman po, pero, medyo po nandoon na ang kaba kasi, nararamdaman ko na, like ako, personally that it's really a contest. Kasi po, noong marami pa kami, noong Top 40 pa po, Top 16, parang friends...everything bigay, tulong. It's a contest, e, kaya kailangan po talagang lumaban."


Mas nanginibabaw na ba ngayon na magkaka-kumpetensiya silang lahat?

"Opo...mas nangingibabaw na po yun. Kasi, kailangan po talaga because it's a competition. At yun din po ang na-realize ko na kailangan, may wall ka. Kasi, you're aiming for something, eh. Like me, I really wanted to be the Next Big Star kaya I have to set work, I have to list what I really want because I'm a aiming for a goal."


Bilang eldest daw sa kanilang lahat na contestants, naniniwala ba si Zyrene na mas seryoso ang approach niya sa pagsali sa Are You The Next Big Star?

"Iba-iba rin po kasi kami ng pananaw. Like ako po ang pinaka-matanda sa kanila, 23 years old po kaya po siguro ganun na ‘yung way of thinking ko. ‘Yung iba ko po kasing kasama 16 years old, so, talagang may laro pa. May fun pa yung pakikitungo nila. Ako po, seryoso na po talaga ko.


"Siguro po kasi, sa iba, fun pa lang dahil nagsisimula pa lang sila. So, siguro po, ‘yun din ang edge ko na I'm 23 years old and before I entered this contest, I gained lot of experiences and God has really prepared me which is, I've been asking for how many years already...na talagang eager po ako at gusto kong makatungtong ng GMA."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

How is she with the other contenders? Nakaka-bonding naman ba niya ang mga ito?

"Okay po, wala naman po kaming off sa isa't-isa. Super saya po. Kasi, kung hindi po Saturday, Monday to Thursday, ano po, ang feeling po namin, naglalaro lang kami. Pero pagdating po ng Saturday at saka sa taping, kinakabahan na kaming lahat. Hindi na kami makatulog, magkausap-usap."


Masuwerte si Zyrene dahil never pa siyang nakasama sa bottom kunsaan pumipili ng ma-e-eliminate.


Pero gaano nga ba siya kakaba kapag elimination na?

"Actually po, ako po, kapag nagpe-perform po ako, una, hindi po ako kinakabahan. Kasi po, bago po ako kumanta, kapag wala akong ginagawa, kinakausap ko si Lord na, Lord, sa ‘yo ‘to, para sa ‘yo ‘to! And I make it a point that I breathe heavily three times bago ko tumuntong ng stage.


"Kasi, iniisip ko po, lahat kami nagpe-perform, so, bakit ka kailangang kabahan? Binigyan ka ng talent ni Lord, eh. So, bakit hindi mo gamitin? At talagang pinagdarasal ko po na hindi ako malagay sa bottom, which is, sinasabi rin po nila na malalagay ka rin sa bottom."


Diretso namin siyang tinanong kung confident ba siya na magiging big star?

"If it's God's will, malakas po..."


In terms of being in the limelight, masasabing may edge na si Zyrene over other contestants dahil pagka-graduate niya ng Mass Communication sa Assumption, she worke at the NBN Channel as the host of One Morning.


"Two years rin po ako ru'n. Pero noong malaman ko po [na kasalia ko sa] Are You...nag-resign po ako ru'n. Ako po kasi yung tao na if I really want something, du'n lang po ako, kasi, nagpo-focus ako. Gusto ko po talaga yun. Eager ako. Ganoon po ako katakam sa mga dreams ko, sa mga pangarap ko. Talagang ipu-push ko po yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Noong estudyante pa raw siya, ang Assumption lang daw ang ini-aim niyang school at doon lang din daw siya kumuha ng exam. Pero dahil bawal sa kanila ang TV, commercial, nag-concentrate lang daw siya sa pag-aaral.


"After ko pong mag-aral, nag-aplay na ako sa NBN Network. Bakit po sa NBN? It's because I'm the type of a person who really want to start on the first step. Sa pinakamababa. Gusto ko po sa mababa muna ko at matututo akong paakyat."


Aminado naman si Zyrene na isa naman sa goal niya na sinusubukan niyang maabot at ay makapasok naman daw siya sa GMA-7.


"I told myself, Zyrene, makakapasok ka ng GMA next year, that was last year po. So, pinagpi-pray ko po yun."


STRONGEST CONTENDERS. Sa mga kasamahan niya, sino ang nakikita niyang posible niyang maging mahigpit na kakumpetensiya?


"Si Camille Cortez po, kasi po, kumakanta at sumasayaw siya, which is, ‘yun po ang ginagawa ko."


Sino naman ‘yung least niyang ine-expect na magiging big star sa kanilang limang babae pa?


"Si Alexa [Ortega] po...yun nga po ang sabi ng judges, she has the face and expression. She has the voice, although, sobrang tinis po ng boses. Pang-broadway. Kapag sinabak po siya sa Broadway, talagang wow, that's Alexa!


"Pero ang hirap din pong sabihin kasi, iba-iba po kami ng genre, eh. Iba-iba po ang ipinapakita namin kaya sabi nga po ng mga judges, ang hirap pumili kasi, lahat magagaling tapos, iba-iba pa."


What about the male contenders, sino naman ang nakikita niyang puwedeng maging Next Big Star?


"Si Geoff Taylor, Si Jay Perillo at saka si Greggy Santos po. Kung isa lang po sa kanila, siguro po si Jay. Kasi po, nakakakanta po siya, siya rin po ‘yung may pinaka-strong voice. Lahat po sila may hitsura, so, ang pinaglalabanan po talaga, yung talent po talaga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Confident naman si Zyrene na isa siya sa makakapasok sa Top 6 finalist. Kaya tinanong namin siya on what if, hindi siya makasama, makakaramdam kaya siya ng galit?


"Because I trust the Lord so much and I have this strong faith, malulungkot po ako, pero, hindi po ako magagalit dahil alam kong may iba pa akong puwedeng gawin aside from this.


"Are You The Next Big Star is helping me to become the next big star. It's my way. Kung hindi man po ako papalarin, I think, I'll have my own way to become the next big star."


Pero paano nga ba niya masasabi or mako-convince ang mga tao na siya nga ang karapat-dapat na iboto?


"Kahit saan n'yo po ako ilagay, puwede po ako. Pa-attend n'yo po ako ng Consular Ball, mga elite ball, kayang-kaya ko pong humarap kahit anong klase ng tao. Papuntahin n'yo po akong squatter's area, paakyatin n'yo po ako ng bundok, gagawin ko po yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN