Probe Profiles will unravel the drama behind the life of Dolphy


Dolphy (in photo) will talk candidly with Che-Che Lazaro in the July 29 episode of her ABS-CBN late-night show, Probe Profiles.


Hindi katatawanan ang buhay ni Dolphy,malayo sa mga programa at pelikula kung saan nakilala siya. Ngayong Miyerkules(July 29), tunghayan ang drama sa likod ng masayang persona ni Rodolfo"Dolphy" Quizon sa Probe Profiles sa ABS-CBN.

Sa isang bihirang pagkakataon, ibabahagini Dolphy kay Che-Che Lazaro ang mga pangyayari sa kaniyang pribadong buhayna hindi nalalaman ng publiko. Isasalaysay ng 81 taong komedyante ang kuwentong kaniyang mga tagumpay at kasawian bilang asawa, ama, at kaibigan, nasasamahan pa ng mga hirit na tanging siya lang ang makakapagbitaw.

Kilalanin ang ‘Dolphy' sa likod ng kamerasa Probe Profiles ngayong Miyerkules (July 29) pagkatapos ng Bandila sa ABS-CBN, at muli sa Biyernes (July 31) ng 3 a.m. at sa Linggo (August 2) ng 1:30 p.m. sa ABS-CBN News Channel (SkyCable channel 27).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN