Heart Evangelista denies involvement in breakup of Dennis Trillo and Cristine Reyes


Heart Evangelista revealed that Dennis Trillo apologized to her since her name was dragged into the issue regarding his breakup with Cristine Reyes. "In fairness kay Dennis, parang kinuha yata niya ang number ko kay Popoy[Caritativo, Dennis's manager], may number na lumabas sa phone ko attipong sorry talaga. But you know what, in all fairness, naranasan kona rin umibig."



Nakuhang ma-perfect ni Heart Evangelista ang digital lie-detector test nang sumalang ito last Sunday, July 26, sa GMA-7 talk show na Showbiz Central. Walang hindi sinagot na tanong si Heart at bawat sagot naman niya ay truth ang result.

Isa lang si Heart sa iilang stars na naupo sa lie-detector test ni John Lapus na nagawang masagot lahat ng sagot ng perfect.

Question # 1: Kada-meron daw kayong kissing scene ni JC de Vera sa Ngayon at Kailanman, ikaw raw ay nagtatago, tumatakbo or nawawala. Kaya tinanong namin kay JC kung sa palagay ba niya na ikaw ay kinikilig kaya ikaw ay nawawala. Opinyon lang daw niya oo at tumama naman.

So, kinikilig ka nga ba, yes or no?

May ilang segundong nakangiti si Heart bago niya sinagot ang tanong ng yes at truth naman ang lumabas.

"Wala namang masama...wala naman akong boyfriend."

Saan galing yung kilig?

"E, siyempre, ewan ko...hindi ko alam. Mabait si JC at saka, nagba-bonding na kami sa taping. Aminado ko, I'm not ready for anything now pero siyempre, it's nice na may mga tao na nasa paligid mo at kapag nasa eksena naman, napi-feel mo ang eksena, yun lang."


Question # 2: Nadawit ang iyong pangalan sa hiwalayan nina Dennis Trillo at Cristine Reyes. Once and for all, gusto lang namin malaman, may kinalaman ka nga ba sa hiwalayang naganap just recently kina Dennis at Cristine?

"Sa pagkakaalam ko, actually, hindi naman kami masyadong nag-uusap ni Dennis. Tahimik lang si Dennis, so, wala kami...ni friendship nga wala kami. Hi and hello lang, so, no, wala talaga."

At ang result naman ng lie detector test ay truth.

"So much!" reaksiyon ni Heart sa truth na lumabas.

Na-surprise ka ba nung nadamay ka?

"Oo...siyempre. Na-surprise ako kasi, hindi rin ako sanay sa mga ganoon kasi, parang galit yata si Cristine noon. Pero in fairness kay Dennis, parang kinuha yata niya ang number ko kay Popoy [Caritativo, Dennis's manager], may number na lumabas sa phone ko at tipong sorry talaga. But you know what, in all fairness, naranasan ko na rin umibig.

"And sometimes, when we do fall in love, we don't really think straight. May mga nagagawa tayo we don't mean, so, I understand."

Pero totoo nga ba na tinext ka ni Cristine?

"Hindi, hindi...wala naman."

Question # 3: Ikaw ba, sa iyong palagay, emotionally ready to get into another serious relationship?

"No, I'm not," ang sagot ni Heart and the result is truth.

"Hindi pa ako handa, but you know, I find time to know other people. To see the world, what's out there. But at this moment in time, in my life, I don't know if the word is jaded or medyo na-traumatize yata ako. Ayoko ng umasa pa or something like that. I'm not ready."

Pero recently, nabasa ko na nakapagpatawad ka ng isang ex or naging magkaibigan kayong muli?

"Yes, yes...," nakangiti niyang sagot, obviously referring to her ex-boyfriend Jericho Rosales.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN