Rafael Rosell and Denise Laurel face love and revenge in Midnight Phantom


In the TV version of Midnight Phantom, Rafael Rosell will bring life to Brandon Brazil while Denise Laurel (right) is cast as Nadja dela Merced. This soap opera will soon air on ABS-CBN.


Nag-e-air pa sa ABS-CBN ang Precious Hearts Romances presents Bud Brothers, pero pinaplano na ng Kapamilya Network ang isa pang soap opera nito na base rin sa isang popular romance pocketbook.

Last Friday, July 23, nagpatawag ng story conference ang ABS-CBN para sa panibagong book ng PHR ng bibigyang buhay sa telebisyon, ang Midnight Phantom. Considered to be one of Martha Cecilia's most popular pocketbooks, hindi pa masabi kung kailan eksakto mag-i-air ang Midnight Phantom sa Kapamilya Network.

Puwede raw itong pumalit sa Bud Brothers, but indefinite pa ang lahat. This week na sisimulan ang pagti-taping sa Midnight Phantom at inaasahan na tatagal it0 ng isang buwan.

Ang Midnight Phantom ay kuwento ni Brandon Brazil, isang misteryosong DJ na noong kabataan niya ay nahilig sa pagtugtog ng banda at doon niya nakilala ang isang sexy and pretty lounge singer na si Anya. Pero during that time, nagbago ang buhay ni Brandon and he decided to live as a phantom.

Ilang taon ang nakalipas when Anya became a doting mother to her stepdaughter Nadja. Si Nadja ay anak ni Augusto dela Merced na naging dahilan kung bakit nauwi sa trahedya ang supposedly, "pag-ibig at paghanga" ni Brandon kay Anya.

But as Brandon and Nadja met, dito na magsisimula ang panibagong pag-ibig at paghihiganti. Kung ano ang mas mangingibabaw, yun ang mas dapat alamin sa pagsalin sa telebisyon ng Midnight Phantom.

Although buong kuwento halos sa libro ang ginagamit, hindi maikakailang may idadagdag as the story is brought to life on television, adding excitement and romance sa orihinal na kuwento nito.

Sa Midnight Phantom ay muling ibinabalik ang mga naging bida rin ng magkaibang libro ng Bud Brothers na sina Rafael Rosell at Denise Laurel. This time nga lang, ang tandem naman nila ang susubukan ng ABS-CBN sa afternoon teleserye na ito.

Rafael will portray Brandon, the Midnight Phantom. Si Denise naman si Nadja dela Merced at si Ina Raymundo ang gaganap bilang Anya.

Midnight Phantom will be directed by Jon Red.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN