Ronnie Liang debunks rumors saying that he has an attitude problem


Ronnie Liang debunks rumors saying that he has an attitude problem. The singer, now a semi-regular performer in ABS-CBN's variety show ASAP, is now working on his second album under Universal Records.


Nagtataka ang mga tagahanga ni Ronnie Liang kung bakit every other week na lang napapanood sa ASAP ang dating Pinoy Dream Academy scholar. Kasama sina Jay-R Siaboc, Sheryn Regis at iba pa, nabalita na may rotation na palang nangyayari sa ASAP kung saan may ilan sa kanila ang di na regularly mapapanod every Sunday sa nasabing variety show ng ABS-CBN.

Kinumpirma naman sa amin ni Ronnie na kabilang nga siya sa mga napabilang sa listahan ng mga semi-regular dahil na rin sa sobrang dami na nila dito.

"Oo, semi-reg ako sa ASAP. Sumusunod lang din ako sa instruction sa akin sa kung anuman ang pinagagawa sa amin. That's life and life must go on."

Sa isyung baka naman daw may attitude problem siya kaya isa siya sa semi reg ngayon ng show, agad naman itong klinaro sa amin ni Ronnie.

"Siguro naman wala kasi I've been there for three years and lahat naman sinunod ko talaga. I always come on time, pag may rehearsal, dumarating ako. Inaaral kong mabuti ang mga kanta ko, kung ano ang production ko, nakikisama naman akong mabuti sa lahat so I don't think that's the reason."

Di itinago sa amin ni Ronnie na nalungkot siya nung una sa nangyari pero naiitindihan at nirerespeto naman niya ang desisyon ng management.

"Marami raw kasing ngayong artists sa ASAP, parang nasa part kami ng rotation and just like I've said, I'm just following instructions from them.

"Siyempre nalungkot ako when I first heard about. For a while, down ako pero ganun talaga ang buhay. Wala din naman akong magagawa kasi yun ang gusto nila at yun siguro ang dapat. Saka sabi sa Bible, 'All things work together for God.' Ganun ‘yun, kung ano ang pinagagawa sa iyo, you have to submit."

There is a saying na 'When God closes a door, He opens the windows.' Marami namang pumasok na mga bagong projects na pinagkakaabalahan sa ngayon si Ronnie. Inisa-isa naman sa amin ito ng singer.

"Ngayon, ginagawa ko yung pangalawang album ko under Universal Records, nakaka-6 songs na kami. Isang malaking karangalan rin na na-invite ako i-record at kantahin ang provincial theme song ng Nueva Ecija. Inaareglo na at inaayos na nila, taga-Universal yung nag-aareglo. Nakakatuwa kasi hanggang sa pagtanda ko na yun [theme song ng Nueva Ecija] tapos taga-Nueva Ecija pa ang nanay ko.

"Kinuha din ako as one of the endorser of Joel Cruz and Aficionado. May sunblock na ako yung image model tapos gagawan nila ako ng pabango na nakapangalan sa akin, Ronnie Liang signature, parang ganun. May napili na akong scent, mild lang na ganun naman talagang ang gusto ko sa perfume. Nakakakataba ng puso malaking karangalan na pagkatiwalaan ka ng ganitong bagay saka ng daming artists, singers pero isa ako sa napili nila. Nakakataba ng puso na magkakaroon ako ng sariling pabango so sana pag labas, bumili sila."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN