Alex Castro and Greggy Santos will battle it out in Are You The Next Big Star


Who among Alex Castro (left) and Greggy Santos will join the Top 6 of Are You The Next Big Star? Find out in the August 8 episode of this GMA-7 reality singing competition.


Isa sa pinaka-kaabang-abang na episode ang magaganap sa Are You The Next Big Star? bukas, Sabado ng gabi sa GMA-7 after ng Pinoy Records. Sa naturang episode na pinamagatang "battle of the heartthrobs," na magkakaalaman kung sino na talaga ang anim na contestants—tatlo mula sa mga female contenders at tatlo rin mula sa male contenders ang bubuo sa Final Top 6 na siyang maglalaban-laban for the most coveted title: Next Big Star on the final night.

Sa hanay ng babae, naakasigurado na ang tatlong natitira na sina Zyrene Parsad, Francheska Farr at Camille Cortez na noong isang linggo ay siyang nalagay sa peligro. Pero, ang sinasabing kahawig ni Marian Rivera na si Alexa Ortega ang natanggal.

Sa hanay naman ng mga lalaki, sure ng makakapasok sa Top 6 sina Jay Perillo and Geoff Taylor.

Pero sa episode bukas, August 8, magkakaalaman kung sino kina Alex Castro at Greggy Santos ang pipiliin ng viewers na i-vote out. Sino nga kaya kina Alex at Greggy naman ang choice ng viewers at ng mga celebrity judges na sina Mon Faustino, Danny Tan, Annie Quintos, Randy Santiago at Pops Fernandez para manatili at magpakitang gilas hanggang sa final night.

Habang papalapit ng papalapit ang Final night, mas lalong nagiging matindi ang labanan dahil ayon na rin sa obserbasyon ng mga nakapanood sa Circle of 16 pa noon, bawat linggong nadaragdag ay tila mas lalong nag-i-improve ang ipinapakitang performances ng bawat isa, bukod pa rito ang "star aura" na nade-develop ng natitirang pitong contestants.

On the other hand, sa Big Star Diaries, magiging inspirasyon naman ng mga finalist ang buhay at pinagmulan ng singer-songwriter na si Ogie Alcasid. Ipapakita ang naging simula ng tinaguriang small but terrible and the singer songwriter na si Ogie kung paano hindi rin naman naging madali sa kanya sa umpisa pa lang ng kanyang career ang anumang tagumpay na tinatamasa ngayon.

Are You The Next Big Star? is hosted by Ms. Regine Velasquez together with Keempee de Leon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN