Shall We Dance will have final showdown this Sunday, August 9


Gab Valenciano (in photo) will compete against Paolo Ballesteros, Mystica, and G Toengi on the August 9 final showdown of Shall We Dance.


Nakatakdang magharap-harap nina Gab Valenciano, Paolo Ballesteros, Mystica, at G Toengi sa final dance showdown live this Sunday, August 9, para sa Celebrity Dance Champion title ng dance talent search program na Shall We Dance. Ang TV5 show na ito ay hosted by the dance goddess herself, Lucy Torres-Gomez.

Nagpatalbugan na sa dance floor last week ang apat na celebrities at talaga namang walang magpapatalo, kaya naman ang nationwide viewers ng Shall We Dance ay puwedeng suportahan ang paborito nilang celebrity dance-contender through text votes.

Dahil live telecast ang show ni Lucy sa Linggo, viewers can vote among Gab, Paolo, Mystica and G. The scores of the judges will be combined with the text votes para malaman kung sino talaga ang ultimate Shall We Dance celebrity champion.

Loaded din ang Shall We Dance Grand Finals dahil si Ryan Agoncillo, ang host ng TV5 top-rating show Talentadong Pinoy, ang magiging special guest co-host ni Lucy. Mapapanood din ang international artist na si Billy Crawford bilang guest performer.

Huwag palalampasin ang final showdown ng best celebrity terpsichoreans sa talent search program, Shall We Dance. Ipapalabas ito ng live ngayong Linggo, August 9, sa ganap na ika-8 ng gabi sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN