The Making of Darna airs tonight, August 9


Darna Mania: The Making of Darna will air on GMA-7 this Sunday, August 9, right after All Star K.


Ngayong gabi, August 9, ipapakita sa mga manonood kung paano naghanda ang GMA-7 para sa muling paglipad ni Darna sa primetime television. Unang napanood sa Kapuso Network noong 2005 nang si Angel Locsin and nagbigay buhay sa superhero na katha ni Mars Ravelo.

Ngayong 2009, mapapanood muli ang paglaban ni Darna sa mga masasamang elemento. Ipapakita rin sa mga manonood kung paano naghanda si Marian para sa fantaserye na ito. Ipapalabas ang Darna Mania: The Making of Darna ngayong Linggo, August 9, matapos ang All Star K.

Sa isang panayam ng GMANews.tv, inamin ng pamilya Ravelo na si Marian Rivera ang kanilang gusto na magsuot muli ng sexy costume ni Darna.

"Si Marian talaga ang first choice namin," wika ni Ruby Austria at Zaldy Ravelo. "Kasi iba 'yung charisma ni Marian--kahit bata gusto siya, kahit 'yung mga lalaki gusto siya. Siguro mayroon talaga siyang pang-hatak sa audience, sa mga viewers. Kaya nga siguro bigla siyang sumikat."

Simula Lunes, August 10, ipapakita na ang pakikipagsapalaran ng isang ulila na nagngangalang Narda at ang kanyang childhood sweetheart na si Eduardo (Mark Anthony Fernandez). Paano niya tatanggapin na ang magiging pinakamatindi niyang kalaban ay ang kanyang kababatang si Valentina (Iwa Moto)?

Magagawa pa ba niyang itama ang kanyang pagkakamaling tanggihan ang kapangyarihan ng mahiwagang bato?


Ito ang listahan ng mga gaganap sa karakter na bahagi ng makulay na mundo ni Darna:


Narda / Darna (Marian Rivera)
Si Narda ay isang ulilang lumaki sa bahay-ampunan. Lingid sa kanyang kaalaman, siya pala ang napiling tagapagmana ng isang makapangyarihang bato na magbibigay sa kanya ng kapangyarihan para maging si Darna!

Eduardo (Mark Anthony Fernandez)
Si Eduardo ang batang unang naging kaibigan ni Narda sa ampunan. Sa kanyang pagkakaampon, mangangako siya kay Narda na babalikan niya ito-and he does. Pero siya ang magiging dahilan kung bakit masisira ang pagkakaibigan nina Narda at Valentina.

Padre Mateo (Eddie Garcia)
Si Padre Mateo ang kura-parokong may madilim na nakaraan.

Perfecta (Celia Rodriguez)
Si Perfecta ay ang matandang dalaga na nagpapatakbo ng bahay ampunan. Strict man at kinatatakutan, siya pa rin ang kikilalaning pangalawang ina ni Narda.

Loleng (Caridad Sanchez)
Si Loleng ay ang matalik na kaibigan ni Perfecta, at siya rin ang tumutulong dito para patakbuhin ang bahay ampunan.

Carding (Robert Villar)
Si Carding ay ang batang, sa pagpasok pa lamang sa ampunan, ay agarang makasusundo si Narda. Siya lang ang makaaalam ng sikretong pagkatao ni Darna, at siya rin ang magiging sidekick nito.

Valentina (Iwa Moto)
Si Valentina ay isang outcast; lumaking uhaw sa pagmamahal, lilinlangin niya ang mga kababata niyang sina Narda at Eduardo para maging kaibigan niya.

Babaeng Lawin (Ehra Madrigal)
Ang Babaeng Lawin ay may kakayahang utusan ang mga ibon, at nagtataglay ng nakabibinging huni.

Babaeng Tuod (Francine Prieto)
Ang Babaeng Tuod ay isang nilalang na kayang utusan ang mga puno at halaman para magdulot ng kamatayan.

Babaeng Linta (Maggie Wilson)
Ang Babaeng Linta ay isang babaeng nagtataglay na gayahin ang itsura ng sinumang hawakan niya.

Babaeng Impakta (Nadine Samonte)
Ang Babaeng Impakta ay nagtataglay ng mala-anghel na mukha, pero may itinatagong ubod ng pangit na halimaw sa kanyang likuran-ang kanyang kambal.

Kobra (Paolo Contis)
Si Kobra ay kalahating tao at kalahating ahas; ganid sa kapangyarihan, papaikutin niya ang lahat makuha lang ang gusto niya.

Dr. Morgan (Ricky Davao)
Si Dr. Morgan ay isang scientist na galing sa angkan ng mga dalubhasa. Obsessed sa paglikha ng pinakamakapangyarihang nilalang, wala siyang ibang hahangarin kundi ang mabihag at gawing specimen si Darna.

Crisanto (Raymart Santiago)
Si Crisanto ay ang magiging kapatid ni Eduardo; editor sa isang pahayagan, personal niyang iimbestigahan ang tunay na katauhan ni Darna.

Consuelo (Janice de Belen)
Si Consuelo ang babaeng gagawin ang lahat, makuha lang ang inaasam-asam na anak. Siya ang ina ni Valentina.

Gabriel (Alfred Vargas)
Si Gabriel ang reporter na mapapalapit kay Narda, habang hinahabol nito si Darna.

Francesca (Rufa Mae Quinto)
Si Francesca ay ang kalog na secretary ni Crisanto.

Alfonso (Ian de Leon)
Si Alfonso ay isang pulis na magiging katuwang ni Darna sa pagsupil sa masasamang elemento ng mundo.

Apollo (Gabby Eigenmann)
Si Apollo ang kanang-kamay ni Dr. Morgan; iniidolo niya ang amo niyang scientist at ituturing niya itong mentor.

Simon (Jestoni Alarcon)
Si Simon ang ama ni Narda; walang ibang itinitibok ang puso niya kundi ang kanyang asawa, kaya naman labis na lang ang magiging pag-alala niya sa pagkawala nito.

Alicia (Rita Avila)
Si Alicia ang ina ni Narda; dahil sa busilak niyang kalooban, siya ay pagkakalooban ng isang blessing: isang bata na itatakdang susunod na tagapagmana ng bato.

Tagapangalaga ng Bato (Angel Aquino)
Ang Tagapangalaga ng Bato ay isang spiritual guide para sa bagong Darna; magsisilbing gabay sa kanyang mga pakikipagsapalaran.

Shiro (Polo Ravales)
Si Shiro ang leader ng isang sindikato na manggugulo sa buhay ni Narda at Darna.

Watson (Bearwin Meily)
Si Watson ang matatakutin, pero loyal, na alalay ni Eduardo.

Liberty (Krissa Mae Arrieta)
Si Liberty ay ang lady-boss ng isang sindikato na manggugulo sa buhay ni Narda at Darna.

Aleli (Roxanne Barcelo)
Si Aleli ay isa sa mga kasama ni Narda sa ampunan; tapat at mapagmahal, siya ang maituturing na best friend ni Narda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN