Jinkee Pacquiao says she is unfazed by showbiz intrigues


Jinkee Pacquiao describes how she coped when her husband, Manny Pacquiao, entered showbiz. "Noong una, siyempre, hindi ako sanay na mag-showbiz siya. Hindi akosanay na may intriga. Pero noong matagal na, iniisip ko na kailangankong maging matapang, kailangan kong maging strong para sa relationshipnamin. So, yun...kailangan kong lumaban."Hindi naman kailangang maapektuhan ako sa mga intriga. Ang importante sa akin, yung pagsasama namin, masaya kami.&quo


First time na humarap ni Jinkee Pacquiao sa "Gimme Mo!" segment ng Showbiz Central noong Linggo, August 9. Ayon nga kay Mo, "palaban din," na guest niya. Ayon kay Mo, marami raw ang nakakapansin na gumaganda nga ito habang tumatagal. Would she ever consider undergoing cosmetic surgery or nag-undergo na ba siya nito?

"Takot ako sa mga ganyan, e. Kung gusto ko man, gusto ko, yung katawan lang. Ayoko sa mukha."

Ano ba ang sikreto ni Jinkee she's she's looking better and better everyday?

"Siyempre, kailangan talagang alagaan ang sarili. At saka, kapag may asawa kang sikat, dapat, confident kang humarap sa mga tao."

Malapit sa isa't-isa sina Manny at Mommy Dionisia. Was there a time na hindi naging magaan ang loob mo kay Mommy Dionisia?

"Hindi naman sa hindi magaan ang loob. Parang naiisip ko lang, magugustuhan kaya niya ko? Kasi, marami rin siyang naririnig sa ibang tao. So, ‘yun lang...ganoon naman talaga, e. Kapag nakasama mo na sila ng first time at malaman kung ano ang treatment nila sa ‘yo."

Medyo sumisikat na rin si Mommy Dionisia. Do you give her fashion tips now that you're into fashion?

"Ngayon, puwede...puwede ko na siyang turuan. Kasi, hindi naman kami palaging magkasama."

Bilang a boxer wife, very high profile si Manny and for sure, never easy na maging wife nito. For someone like Manny, ano ang biggest fear mo?

"Siguro yung pagdating sa fight, yung tatamaan siya. May makita na akong dugo. Baka biglang mag-collapse, yung ganoon. ‘Yon talaga ang fear ko."

We all know naman na very matapang si Manny sa ring. Pero pagdating sa relationship, ikaw naman daw ang matapang. Ano ba ang biggest fear ni Manny sa ‘yo? Matapang ka ba?

"Oo naman. Kung matapang siya, mas matapang ako. Knock-out siya sa akin."

Sa mga pangalang ikinakabit kay Manny, kanino ka pinaka-naapektuhan?

"Noong una, siyempre, hindi ako sanay na mag-showbiz siya. Hindi ako sanay na may intriga. Pero noong matagal na, iniisip ko na kailangan kong maging matapang, kailangan kong maging strong para sa relationship namin. So, yun...kailangan kong lumaban.

"Hindi naman kailangang maapektuhan ako sa mga intriga. Ang importante sa akin, yung pagsasama namin, masaya kami."

On that note, sinabi ni Mo na may surprise guest daw sila para kay Jinkee. At tinawag ng Showbiz Central host ang Boxing Champ na si Manny Pacquiao na nagsabing nai-star-struck daw siya sa kanyang misis.

Si Manny ang nagtanong kay Jinkee. Ang tanong nito, ano pa raw ang kailangan niyang gawin para mapasaya ang kanyang asawa?

"Nakangiting sagot naman ni Jinkee, "Secret! Sabihin ko na lang sa ‘yo mamaya, bulong ko sa ‘yo."

Tinanong naman ni Mo si Jinkee kung ano raw ang message niya sa asawa.

"Ang message ko sa ‘yo, basta nandito lang ako. Aalagaan ka at mamahalin ka. Yun naman ang palagi kong sinasabi."

Sagot naman ni Manny, "Sa akin, talagang ito ang pambato kong asawa. Kumbaga sa ano, marami na itong natatanggap na award bilang isang Mom at asawa ng isang boksingero. Ako'y talagang nagpapasalamat sa lahat ng kabutihang ipinapakita mo sa akin at pagmamahal mo sa ating mga anak. At sa pagmamahal mo sa amin, maraming-maraming salamat. Kahit anong mangyari, hindi namin makakalimutan. Hindi ko makakalimutan ‘yan. Walang hanggan. I love you Babes."

At dugtong ni Manny, "Gusto kong tawagin ang mga anak ko. Mga anak namin."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN