Manny Pacquiao doesn't want his wife Jinkee to enter showbiz


Manny Pacquiao explains why he doesn't want his wife Jinkee to enter showbiz: "Marami ng nagdaang artista na dalawa silang mag-asawa, tapos pareho silang artista at kalaunan ay naghiwalay rin sila. Maraming intriga ang bawat isa sa kanila at iniiwasan ko na mangyari dahil alam mo, wala sa una ang pagsisisi, nasa huli ang pagsisisi."


On the spot na naisalang si Manny Pacquiao sa "Don't Lie To Me" segment sa August 9 episode ng Showbiz Central. Pagkatapos nga nitong mag-surprise guest sa asawang si Jinkee Pacquiao na sumalang sa "Gimme Mo" segment, hinamon ni Mo Twister si Manny kung puwede nitong tanggapin ang challenge ng "Digital Don't Lie To Me" segment naman ni John Lapus.

Tinugon naman ni Manny ang hamon ni Mo at naupo na nga ang Pambansang Kamao sa upuan upang lagyan siya ng mga sensors. Nagpasalamat rin si Sweet kay Manny dahil pumayag ito na gawin ito kahit na may lakad pa raw ito at ang buong pamilya niya.

Ang unang tanong, sikat na sikat bilang endorser si Jinkee at pagkaganda-ganda these days. Marami ang nagtatanong kung balak din ba ni Jinkee na pumasok sa showbiz. At kung siya raw ang tatanungin, ayaw niyang mag-artista si Jinkee?

"Yes," ang sagot ni Manny at sumang-ayon naman ang lie-detector machine.

"Magkakaroon kasi ng...problema yun, e. Kumbaga, marami ng nagdaang artista na dalawa silang mag-asawa, tapos pareho silang artista at kalaunan ay naghiwalay rin sila. Maraming intriga ang bawat isa sa kanila at iniiwasan ko na mangyari dahil alam mo, wala sa una ang pagsisisi, nasa huli ang pagsisisi."

Hanggang commercials lang si Jinkee, okay lang ba yun?

"Okay lang yun kasi, hanapbuhay naman yun, e."

Sa pangalawang tanong, very vocal talaga si Mommy Dionisia na sana ay huling laban na niya ang kay Miguel Cotto, isang Puerto Rican boxer. Kung ikaw ang tatanungin, huling laban mo na nga ba kay Miguel Cotto sa November?

"Hindi pa sigurado..."

Ayon kay Sweet, yes or no lang...

"Doon muna ko sa or...kasi, kung yes or no."

Tutal sa November na ito, huli na ba ito?

"Kaya ko naman pinili ang or kasi, puwedeng huli na, puwedeng lumaban pa. Kumbaga sa ano, wala pang katiyakan. So, sa or muna ko."

Ano ba ang posibleng mangyari para masabi mong huling laban na?

"Depende rin ‘yan, e...Yung mama ko, ayaw niya na lumaban pa ako ulit. Siyempre, depende sa pag-uusap naming lahat na ‘yan sa pamilya."

So, kapag sinabi ni Mommy na last laban mo na sa November, pakikinggan mo rin yun?

"Kailangan ko rin pansinin yung advice ng mga magulang dahil importante rin yun."

Ang huling katanungan, alam naman natin na noong mag-showbiz ka, maraming nali-link sa ‘yo. Ngayong si Jinkee naman ang nagso-showbiz, totoo nga bang sa inyong mag-asawa, mas seloso ka?

Napangiti si Manny at sabay sagot ng yes at ang result naman ay truth.

"Ako, seloso talaga ‘ko. Sa totoo lang, yung pagka-seloso ko, ayokong ibulgar na kahit kanino. Gusto ko, between her lang and sa akin. Malalaman niya ang pagiging seloso ko. Ayokong ipakita ang pagiging seloso ko dahil parang pangit na ipakita sa ibang tao.

"At saka, natural lang yung nagseselos kapag mahal mo. Kung hindi mo mahal, hindi ka siguro magseselos."


Click HERE to read the interview of Jinkee Pacquiao on Showbiz Central.


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN