"Eat Bulaga" hosts star in three Lenten episodes

by Ruel J. Mendoza
Mar 28, 2007
In the Lenten episode Sa Iyong Paglaya, Pia Guanio (left) plays Vic Sotto's wife who leaves him after nine years of marriage. Another Eat Bulaga mainstay, BJ Forbes (not pictured) is cast as their only son.

Tatlong makabuluhang kuwento ng pagmamahalan ang handog ng Eat Bulaga ngayong Mahal Na Araw simula sa Lunes Santo (April 2) hanggang Miyerkules Santo (April 4) mula sa produksyon ng TAPE, Inc.

Una ay ang Sa Iyong Paglaya na tampok sila Vic Sotto at Pia Guanio. Tungkol sa mag-asawang Rey (Vic) at Amanda (Pia) na hindi na maayos ang pagsasama. Pagkatapos nga ng siyam na taon ay nagpasya si Amanda na iwan si Rey at sinama nito ang kanilang nag-iisang anak na si Junie (played by BJ Forbes).

Kasama pa rito ay sila Keempee de Leon, Jimmy Santos, Jose Manalo, Wally Bayola, Sugar Mercado, at Edgar Allan Guzman.

Ang pangalawang istorya ay Binhi Sa Matabang Lupa na tampok sila Joey de Leon at Oyo Sotto. Pinuno si Luis (Joey) ng isang small-time sindikato at natuklasan ito ng kanyang ampon na si Dodo (Oyo). Natuto ito sa kalokohan ng kanyang ama-amahan at dito nagsimula ang kalbaryo ni Luis. Tampok pa sa episode na ito si Allan K bilang si Brother Al.

Continue reading below ↓

Ikatlong istorya ay may pamagat na Star! na tampok sila Gina Alajar, Michael V. at Paolo Ballesteros. Isang ambisyosang ina si Gina na mas pinapaboran ang artistang anak na si Jamie (Paolo) at bale-wala sa kanya ang masunurin at mabait niyang anak na si Jonat (Michael V.). Magbabago ang lahat ng dahil sa isang aksidente. Kasama rin sa episode na ito ay sila Francis Magalona at Ciara Sotto.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
In the Lenten episode Sa Iyong Paglaya, Pia Guanio (left) plays Vic Sotto's wife who leaves him after nine years of marriage. Another Eat Bulaga mainstay, BJ Forbes (not pictured) is cast as their only son.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results