Erich Gonzales plays a teenage mother in Katorse


The stars of Katorse (from left) Xian Lim, Erich Gonzales, Enchong Dee, and Ejay Falcon will be seen every night on ABS-CBN starting August 24, 2009. In this ABS-CBN primetime soap opera, Erich portrays Nene, a young girl who becomes a teenage mother.


Matapos maurong ang pagpapalabas,finally ay mapapanood na sa Agosto 24ang bagong primetime teleserye ng ABS-CBN na Katorse. Pinagbibidahan ng 2005 Star Circle Quest Grand Questor nasi Erich Gonzales, ang Katorse ayinspired ng 1980 film na nag-launch sa career ni Dina Bonnevie noon. Directed by the late Joey Giosiengfao, ang coming-of-age film of the same title ay pinagbibidahan rin ni Gabby Concepcion.


Mismong si Erich ang nagpaliwanag samga press kasama na ang PEP (Philippine Entertainment Portal) during the pressconna ginanap kamakailan sa 9501 restaurant ng ABS-CBN kung bakit na-delay ang Katorse gayundin ang nararamdaman niyangkaba sa unang title role niya sa telebisyon.

"Nagsu-shoot po kami sa Batangas,sobrang sama po ng panahon noon, yun po kaya medyo natagalan. Pero tuluy-tuloypa rin po ang trabaho namin. Nandun po ang kaba at saka excited din. Mixedemotions po. Kaya nga po sana maraming manood at sumuporta po sa amin," aniErich.

Masayang-masaya din si Erich dahilmatapos ang matagal din niyang paghihintay ay dumating na ang big break para sakanya. Ginagampanan ni Erich ang role ni Nene, isang katorse anyos na dalagitana sa kanyang murang edad ay nahaharap na agad sa masalimout na buhay kaugnayna rin ng kanyang maagang pagbubuntis.


"Alam naman po nating lahat na ang tagal kong naghintay, kaya I'm so thankful and I feel so blessed. Sa dinami-dami po ng artista ngayon, ako papo ang napili," wika ni Erich.

Ayon pa kay Erich, ang Katorse ang biggest challenge sa kanyangacting career, lalo na't may mga kissing at love scenes na kailangan niyanggawin kasama ang kanyang mga leading men.

Kasama ni Erich sa Katorse angtatlong leading men niya na pawang mga baguhang sina Pinoy Big Brother Teen Edition Plus Winner Ejay Falcon,model-athlete Xian Lim at actor-champion swimmer Enchong Dee.

Nakatulong ng malaki para maalis ang kanyang hiya at mahas pa ang pag-arte niyasa pamamagitan ng pakikipag-bonding at pag-undergo ng workshops kasama ng mgaleading men niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Malaking tulong po talaga yungpag-undergo namin sa acting workshop pati sa sensuality workshop para magingcomfortable ako with my leading men sa mga daring scenes namin. Nanood din poako ng movie version ng Katorse niMs. Dina Bonnevie. Nag-aral din po ako ng ibang acting techniques sa panonoodng movies na related sa role ko," sagot ni Erich nang matanong kung paano niyapinaghandaan ang kanyang role lalo na't hindi naman niya ito naranasan in reallife.

Ginagampanan ni Ejay ang role niGabby Arcanghel, ang kababata ni Nene at makakabuntis sa dalagita. Siya ang"bad boy" sa istorya dahil tinanggihan niyang panagutan ang dinadala ni Nene.Malalaman ang tunay na katauhan ng kanyang karakter sa pag-usad ng kuwento. Samovie version ng Katorse ayginampanan ni Gabby Concepcion ang role na ito.

"Hindi naman po ako bad boy ditohanggang sa huli. Basta po may mangyayari sa kuwento na dapat n'yong abangan.Basta masaya po ako sa break na ito na ibinigay ng ABS-CBN. Worth it naman poang paghihintay ko dahil major project pa po itong binigay nila sa akin. Alamko po hindi pa ako ganung kagaling umarte, willing naman po akong matuto.Gagawin ko po ang lahat para sa ikagaganda ng show namin," pahayag ni Ejay.

Nakatatandang kapatid naman ni Gabbyna si Albert ang role ni Xian sa Katorse.Siya ang bubuo sa naiibang triyanggulo ng pag-ibig sa pagitan ng kapatid at niNene. Si Alfie Anido naman ang gumanap sa original movie.

"When I was told that I will be oneof the main cast of Katorse,masayang-masaya talaga ako. Katorseis really a big break on my part. To be working with such a great cast isreally a great experience. Promise ko pagbubutihan ko ang trabaho ko,"sabi naman ni Xian.

Si Enchong naman ang kukumpleto satatlong leading men ni Erich at ginagampanan niya ang role ni Jojo, ang matalikna kaibigan ni Gabby na makakatulong at aalalay kay Nene sa pagdadalang-taoniya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Bagong show, bagong challenge. I'mso thankful sa ABS-CBN at hindi ako nawawalan ng projects. Nagkatrabaho na kamidati ni Erich pero this is the first time na makatambal ko siya. Suportahanlang kami lagi, of course kasama sina Ejay at Xian," sambit naman ni Enchong.

Gumaganap naman sa mahahalagangroles sa Katorse sina Cherie Gil at Gardo Versoza bilang sina Margarita atAnselmo Arcanghel, mga magulang nina Gabby at Albert; at si Malou de Guzman nagumaganap naman bilang si Nena, ang nanay ni Nene. Kasama rin sa cast sina EdaNolan at Charee Pineda.

Sa direksyon ng premyadong direktorna si Malu Sevilla, ang kuwento ng Katorseay iinog sa pag-ibig, paninindigan, pananagutan at pagiging isang batang ina.Ang pinakabagong teleseryeng ito ay tiyak na pupukaw sa atensyon, hindi lamangng mga kabataan kundi pati na rin sa mga magulang ukol sa paggabay ng kanilanglumalaking mga anak.

Mapapanood ang Katorse, simula Agosto 24 sa ABS-CBN Primetime Bida.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN