Ryan Agoncillo's character is caught red-handed in massage parlor


How will George (Judy Ann Santos) and Cecil (Ryan Agoncillo) deal with temptation and doubt as a married couple? Find out in the August 23 episode of their ABS-CBN sitcom George and Cecil.


Isang malaking temptation ang haharapin ng mag-asawang George at Cecil ngayong Linggo, August 23. Malampasan kaya ng mga karakter nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo ang pagdating ni Jennifer Lee sa buhay nilang mag-asawa?


Masasangkot nga sa isang gulo si Cecil (Ryan) matapos itong mahuli ng asawang si George (Judy Ann) sa isang massage parlor na kanyang ni-raid. Inaya kasi ito ng pilyo niyang kaibigang si Gordon (Jommy Teotico) at dahil busy si George ay pumayag din ito.


Ayon kay Jennifer, nang tanungin siya sa kanyang ginagampanang role sa George and Cecil, muntikan lang na may mangyari sa kanyang karakter na si Starlet at kay Cecil (Ryan) ngunit sadyang gentleman ang high school teacher at walang ginawang masama sa kanya.

Bagamat malinis ang konsiyensya ni Cecil, lalaki pa lalo ang isyu dahil gagatungan pa ito ng kanyang pakialamerang ina, si Maribel (Tessie Tomas), at magulang ni George na sina Ched (Malou De Guzman) at Damian (Al Tantay).

Paano kaya maayos ni Cecil ang gusot na 'to? Mapapatawad kaya siya ni George?

Alamin ang kasagutan ngayong Linggo (August 23) sa George and Cecil, pagkatapos ng Sharon sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN