Piolo Pascual on KC's parents: "Inaalagaan ko yung trust na ibinibigay nila sa akin."


Piolo Pascual clarifies that he and KC Concepcion did not reshoot their scenes for Lovers in Paris. The actor-producer also revealed that Solar Entertainment will now distribute the film Kimmy Dora: Kambal sa Kiyeme instead of SM Cinemas.


Sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay KC Concepcion a fewmonths ago, mismong ang aktres ang nagkumpirma na nanliligaw nga sa kanya ang kaparehang si Piolo Pacualat ito ang kauna-unahang lalaki na nanligaw sa kanya in a traditional way.

Sa interview din ng PEP kay GabbyConcepcion during his mini-presscon for DahilMay Isang Ikaw, inamin ng aktor na ipinakilala na sa kanya si Piolo. Nagbiro pa nga raw si Gabby kay Piolo na okey lang na tawagin siyanitong Kuya, huwag lang Papa dahil si KC lang ang tumatawag sa kanya nito.

Sa interview ng PEP kay Piolo sanakaraang presscon ng Kimmy Dora: Kambalna Kiyeme last August 20, consistent pa rin si Piolo sa pagsasabing huwagpag-usapan ang panliligaw niya kay KC lalo't patuloy pa rin daw ang pagdududang karamihan na for publicity gimmick lang daw ang sinasabi niyang nararamdamanpara sa kapareha.

"KC and I are good friends but other than thatayoko na sigurong magsalita coz marami ang nagsasabi na puro on cam langang panliligaw ko. Ayokong mapagbintanagan na nanliligaw ako sa camerajust to prove something. Iniiwasan ko muna ‘yun kasi nakakasakit dinminsan. Ikaw ang natatanong pero ikaw pa ang masama."

Sa kabila ng pag-iwas na sagutin pani Piolo ang tungkol sa panliligaw niya sa aktres, kinumusta naman namin sakanya ang pagmi-meet nila ni Gabby kung saan balitang pormal na raw siyangpinakilala ni KC sa ama.

"Cool nga, e, nakakatuwa. He makesthings light for us, siyempre father ‘yun ni KC, nakaka-tense,nakaka-intimidate but he's very cool, napakabait niyang tao. He's veryfriendly, very accommodating, mawawala ang hiya mo. Kahit minsan ayaw monang magsalita dahil nahihiya ka, he will make you feel comfortable."

Kung noong una ang ina lang ni KCang nagsasabing boto siya kay Piolo para sa panganay na anak, ngayon pati siGabby ay bukas na rin sa pagsasabing gusto niya ang aktor para kay KC. Para kay Piolo, sisiguraduhin niyang di niya sisirain ang tiwalang ibinibigaysa kanya ng mga magulang ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Inaalagaan ko ‘yung tiwala na ‘yun,inaalagaan ko ‘yung trust na ibinibigay nila sa akin. Ayoko munang magsalitakasi baka mamaya things might be taken out of context and iba ang makarating sakanila so alalay lang."

Agad din naming tinanong si Piolo nakaya raw natagalan na ipalabas ang Loversin Paris ay dahil marami raw eksena ang ni-reshoot dahil wala raw chemistrysa kanila ng aktres.

"Di kami nag-reshoot. Marami langdinagdag sa eksena, kinompress ‘yung soap para mas tight, para masmabilis.

"Loversin Paris is doing well. We're taping almost every other day, wala kamingpahinga. Direk Erik and the creative team are working really hard paramapaganda pa yung project. Na-launch kami sa trade launch and ipapalabasna siya on September. I'm excited for KC coz this is her first soap."

ONCLAUDINE BARRETTO. Sainterview din ng PEP at ng Cinema News kay Claudine Barretto ayinamin ng aktres na mayroon daw silang tampuhan ng aktor. Isang tampuhang naayos na kaya at bukas naman kaya si Piolo sa pakikipagbati?

"As far as I'm concerned, okay kami ni Clau, ifthere's anything to setlle, I just want it between us. Bilangmagkaibigan, mas maganda na maaayos namin ‘yun off cam.


"I'm very much open sapag-aayos, kaibigan ko si Clau, wala namang problema dun."

Ang Manila ang unang film na co-produced ni Piolo at sumunod naman ang Kimmy Dora. Dahil dito, marami angnagtatanong kung anong satisfaction ang nakukuha ni Piolo in producing films na di naibibigay sa kanya ng pagiging isang artista.

"Let's just say na okay na ako as an artist,masaya na ako, I'm fulfilled and achieved so much but after this you will tellto yourself, ‘hanggang saan ka? Until when is this is gonna happen?' Maschinallenge ko ang sarili ko as a producer. When Manila came out, nakakatuwa because lahat ng pagod, hirap, pera,kasama na ang lahat, nawala nung napanood ko ‘yung buong pelikula, tapos sumunodpa itong Kimmy Dora. Sabi kograbe, grabe ang blessings ito, all efforts, nakaka-encourage, nakaka-boost ngmorale."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa dami ng mga artista marami angnagtatanong kung bakit daw si Eugene Domingo ang napili ni Piolo na gawingbida sa Kimmy Dora at hindi ang iba?


"Timely rin na bilang bagong produksyon kami and we wanted something new taposnakita naming ang potensyal ni Uge as bida. Kung anuman ang magingsuccess ni Uge, success din ng produksyon.


"'Saka I was always been a fan of Uge, lahat ng mga ginagawa niya, tawa ako ngtawa. Nung ginagawa namin ‘yung Paano Kita Iibigin, sabi ko ‘Grabe si Uge,' sobrang nakakatawa siya tapos sobrangtinodo niya dito sa pelikulang ito so happy ako."

To be shown in cinemas starting September 2, kinumpirma ng aktor na angSolar na pala ang magdi-distribute ng KimmyDora at hindi na ang Star Cinema para mapanood din sila sa mga SM theaters. Sinigurolang sa amin ni Piolo na maayos nila itong napag-usapan ng management ng StarCinema.

"With the blessing of Tita MalouSantos. Siya na mismo ang nagsabi sa amin na para wag kayong madamay saconflict ng Star at ng SM, it would be better kung makakahanap kayo ng ibangdistributor. Through her help, we were able to seal our deal with Solar."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN