Dennis Trillo on Pauleen Luna: "Kapag kasama ko siya, hindi ko kailangang mag-pretend."


What does Dennis Trillo like most about Pauleen Luna? "Siguro ‘yung madali siyang pakisamahan. Masaya siyang kasama. Maramikaming mga bagay na pinagkakasunduan. Marami kaming things in common. Kapag kasama ko siya, hindi ko kailangang mag-pretend. At kapag kasamamo siya, kung ano ka lang."


"A man of few words," nang i-describe ni Pia Guanio ang actor na si Dennis Trillo na naupo sa hot seat ng Intriga Crossfire ng Showbiz Central noong Linggo, August 23.

Si Pia ang unang nagbato ng tanong kay Dennis kunsaan, nabalitaan daw niyang very emotional si Dennis ngayon when it comes to his family, especially since his mom who underwent an open-heart surgery.

So, how are things at home?

"Actually ngayon, galing ako sa bahay. Iniwan ko sila dun para pumunta ko rito, Hindi pa siya nakakalabas, pero, nakakakilos na siya ng normal. Hirap lang siya sa paghinga, kasi, hindi pa sanay ang puso niya sa normal heartbeat kung ano ang meron siya bago siya maoperahan.

"Siyempre, noong una, lahat kami kabado dahil first time na may maoperahan ng major sa pamilya namin. Awa ng Diyos, wala namang komplikasyon. Nagpapalakas na niya and very normal."

How it is affecting him at sino ang pinupuntahan niya when he feel weak and very sad?

"Siyempre, nandiyan ang mga kaibigan ko para aliwin ako kapag medyo nade-depress or nai-stress sa mga situation. Actually, ‘yung mom ko, preventive naman ang situation niya. Hindi naman siya ‘yung inatake at inoperahan. Nagpa-check lang siya at na-discover na meron siyang valve sa puso niya kaya minabuti naming ipaayos na ‘yun agad bago siya maging malala lahat."

Raymond Gutierrez remembered that he underwent a similar situation with his parents. Saka niya sinabi na pagdating kay Dennis, kahit hindi na raw ito masyadong nagsasalita tungkol sa kanyang lovelife ay very controversial pa rin ito.

Recently, nadawit ang pangalan ni Heart Evangelista sa recent break-up niya. Ano ba talaga ang nangyari, bakit siya nadawit?

"Actually, ‘yun medyo may magulong pangyayari na hindi pagkakaintindihan na naganap na hindi naman dapat nangyari. Kami ni Heart, nagkikita kami sa SOP lang, so, wala talaga siyang kinalaman du'n sa break-up namin ng dati kong karelasyon.

"Pero, naayos na namin ‘yun, nakausap ko na si Heart noong dati pang nangyari and maayos na lahat."

But you were never romantically involved?

"Wala...wala...ni wala nga akong number niya. Nagkikita lang kami sa SOP. Dun lang kami nagkakaroon ng chance na magkausap. Kapag may spiels kaming magkasama. Pero ‘yung romantic whatever, wala, wala talaga."

Ang tanong naman ni Mo Twister, in a recent interview, sinabi mong special si Pauleen Luna sa ‘yo. At sa industry nga raw, kapag tinatawag mong special ang isang tao, that is a code for mag-on or at least, M.U.

Is that Pauleen to you?

"Ako kasi, bihira akong maging close talaga sa mga ano...lalo na sa mga katrabaho ko sa showbiz. Siguro kaya ko rin siya nababanggit na special kasi, magkasama kami palagi sa taping. Dun kami, although, magkakilala kami matagal na, ilang shows na ang pinagsamahan namin. Pero, dun lang talaga sa Adik Sa ‘Yo kami nagkakilanlan ng husto."

Pero hindi ba, may romantic element ang special? Sinabi rin niyang nakita raw niyang nanood ang mga ito ng late movie together, so, it is safe to say na may romantic interest din sila ni Pauleen?

"Siyempre, ‘yung pagiging close ng isang lalaki at isang babae, hindi talaga mawawala ‘yung romantic aspect na sinasabi. So, siyempre, kahit papaano, meron din talaga."

Tinanong naman ni Rufa Mae Quinto ang naging tarot reading kay Dennis kunsaan, dalawang babae raw ang hihiwalayan niya sa taong ito at delikado raw sa kanya ang mag-travel.

"Well, una ko munang sasagutin ‘yung sa travel. Actually, first time ko lang talagang magpahula. Pero ‘yung hula sa disgrasya sa pagbibiyahe, parang lumabas na sa isang show na pinahulaan ako, pero, wala rin ako dun. Parang sinabi lang na mag-ingat sa mga biyahe, pagda-drive, ‘yung ganoon.

"Wala naman...at sana , huwag naman. Hindi pa talaga ako naa-aksidente na major, puro sagi-sagi lang. Pero sana, huwag naman."

Naniniwala ba siya sa tarot card?

"Noong una, before ako mag-solo presscon bago ako mahulaan, hindi talaga. Wala talaga akong bilib kaya nga hindi ako nagpapahula. Pero, after akong mabasahan ng mga cards, parang nagbago ‘yung paniniwala ko dahil...although, may mga lumabas du'n na mga issues na napapanood siguro niya sa mga programa, pero ‘yung sa personal na buhay na lumabas, na wala naman akong pinagkukuwentuhan, medyo nakakakilabot."

Ayon kay John Lapus naman, may tampo raw siya kay Dennis dahil silang tatlo raw nina Pauleen ang palaging magkakasama sa taping, pero kay Pauleen ito close. Kaya ang tanong niya, ano raw ang meron kay Pauleen na nakaka-adik sa kanya at wala si Carlene Aguilar at Cristine Reyes?

"Ano ba? Mag-isip...actually, ayoko talagang magkumpara ng mga babae."

Ano na lang nag meron kay Pauleen?

"Siguro ‘yung madali siyang pakisamahan. Masaya siyang kasama. Marami kaming mga bagay na pinagkakasunduan. Marami kaming things in common. Kapag kasama ko siya, hindi ko kailangang mag-pretend. At kapag kasama mo siya, kung ano ka lang."

Dagdag pa ni Sweet, kapag nakikita raw niya ang dalawa, extreme raw ang mga ito, though, opposite poles attract each other.

Pero sagot ni Dennis, "Masaya ako na nakilala ko siya...nagkaroon ako ng chance na makilala siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN