Zsa Zsa Padilla hopes Dolphy will be recognized as a National Artist


After six years, Zsa Zsa Padilla is still waiting for the annulment of her marriage to Dr. Modesto Tatlonghari. This remains to be the only hindrance to her wedding to Dolphy.


Ang singer-actress na si Zsa Zsa Padilla ang sumalang sa Tough Ten segment ng The Buzz last Sunday, August 23. Ayon kay Boy Abunda, first time raw ni Zsa Zsa na sumalang sa Tough Ten at katulad ng anak niyang si Karylle, namumula rin ang Divine Diva kapag ninenerbiyos.

Tough Question 10: Bakit umabot ng seven years bago ka nag-record muli ng album, ang Unchanging Love?

"Nagka-problema kasi ako sa Viva noon. But when we were able to iron things out, parang hindi kami nag-agree pa rin sa kontrata. Tapos, I just found out that I'm guesting from one album to another. Parang napapakamot ako ng ulo na, bakit palagi na lang akong guest sa mga album?

"So, I said, I guess, it's about time that I'll do my own album."

So, without realizing, lumipas na ang seven years?

"Yeah, lumipas na ang seven years, tapos, busy touring, sabi ko, I guess, it's about time I'll go to the studio. I really missed it so much."

Tough Question 9: Matagal mo nang pangarap na mag-compose ng awitin. Given the chance to compose, ano ito at bakit ito ang iyong iko-compose?

"I really am a melody person. I think I can come up with a good melody. Pero ‘yung lyrics...minsan, nakiki-co-write ako. Mas madali para sa akin."

Then, Boy asked Zsa Zsa to hum the melody in her mind.

Tough 8: Sa scale of 1-10, with 10 being the highest, gaano pa kainit at kapusok ang pagmamahalan n'yo ngayon ni Tito Dolphy?

"Kainit at kapusok?! Parang sa 20 some years ng pagsasama namin, parang wala na kami du'n sa init at kapusok, e."

Natatawa si Zsa Zsa nang ang follow-up question ay manggaling sa audience at may sumigaw nang, "nasaan na?!"

"Siguro, katulad ng mga," at saka ito natawa. "Old couples like us, mga relatively, seven and eight, ganun...mataas pa rin ha? Mataas akong mag-rate."

"That's not bad!" comment naman ni Boy.

Tough Question 7: Kung papamiliin ka ng isang bagay na sasalba sa buhay mo, ano ang mas pipiliin mo, maging singer or maging artista?

"Pareho ko ‘tong love, pero, singing is my first love."

Tell me why...
"Because in singing, I think, you can express yourself in a way that you're also acting. Noong unang-una kong recording, talagang you know, kailangan, sobrang feel na feel ko ang kanta, kahit na ‘yung first recording ko, e."

Do you remember that? "Yes, I do!"

"Every word really meant something and I would imagine scenario like an actress would."

Boy then asked Zsa Zsa to sing her first recording, "Kahit Na."

Tough 6: Kung ikaw ang tatanungin mo, kanino ka mas boto para kay Karylle: Christian Bautista o Jericho Rosales?

"Dalawa lang?"

Meron pa ba...sige, sabihan mo kami.

"E, kasi, she's single and sexy. Tinatanong ko sana ang audience, sino ang gusto n'yo. Ang hirap. Sa present state ngayon na nakikita ko? Parang si Christian, parang hindi na siya masyadong close kay Karylle. Really..."

Do you know why?

"I don't know! But I've known him for a long time, si Christian...and we hosted the show Star In A Million, ‘di ba, kami ang nag-host before. So, ‘yun lang ang napapansin ko. Parang malapit sa kanya. Si Jericho, parang bubuyog, naka-buzz palagi kay Karylle, ‘di ba?"

"Interesting!" ang comment naman ni Boy.

Dugtong ni Zsa Zsa, "Hindi ko sinasabi kung sino ang gusto ko. I always look for kung saan siya masaya."

Gaano kadalas ang bubuyog na ‘yan na umaaligid?

"Kanina lang, eh...kanina lang sa ASAP. Ibinubuking ko raw," natatawa pa rin niyang sabi.

Tough Question 5: You're the Divine Diva, sa lahat ng mga divas, sino ang kinakatakutan mong makasabayan? Lani Misalucha, Pops Fernandez, Regine Velasquez or Kuh Ledesma?

"Nakasabay ko na silang lahat. But I think, the most powerful voices is of course with Lani and Regine. So, it's really tough sharing stage with them."
She can only choose one...

"Hahaha! Siguro, nalampasan ko na ‘yun kasi napagdaanan ko na ‘yun dahil nakasama ko na sila sa trabaho."

Noong hindi pa niya nalalampasan, sino ang kinakatakutan niya?

"Well, wala actually. Kasi, even when Lani and I worked together, siguro kami ni Regine, magba-back-to-back. Kasi, hindi pa nangyayari ‘yun."

Are you looking forward for a back to back with Regine?

"Yes! Yeah, she's really a wonderful lady. Excellent performer."

Tough Question 4: Bilang partner ni Dolphy, ano ang pakiramdam mo na sa rami ng kontribusyon ni Mang Dolphy sa industriya at sa bansa, hindi pa rin siya napipili as a National Artist?

"It's really tough. It's sad kasi, I don't want na to say anything na baka masabihan ako na nagsa-sour graping. But I really wished it for him and I just wish in three more years, kapag nagkapilian muli, sana, mapansin naman ang achievements ni Dolphy.

"And sana...he's still around. I mean, realistically speaking, he's 81. So, I hope in three years he's still be around to receive the award."

Tough Question 3: Sa mahigit na 3 dekada ninyo ni Dolphy, paano mo masasabi at napapatunayan na siya na nga ang unchanging love mo?

"Hindi na ine-express ‘yun, e. Kasi, sa tagal na ng pagsasama namin. You know how this person becomes your family and be a part of your life. You know, you wake up each morning and you look for this person. You can't leave without saying goodbye. Kahit maggo-grocery ka lang, kailangang magpaalam ka. There should be a kiss and all that."

It's not a separate entity, parang bahagi na ng katawan at pagkatao mo? "That's true..."

Tough Question 2: Puso sa puso, mabuti ka bang ina?

"Yeah! When I was younger, I made a lot of mistakes because I was really such a young mom. I was a mom at 16. Mine was much tougher kasi, iba ‘yung kapag nasa show business ka, e. Alam ng lahat. Kumbaga, open book ‘yung buhay mo."

Sa tingin ng iyong mga anak, ano sa tingin mo ang pagkukulang mo sa kanila?

Let's start with Karylle..."Time, because she was raised by her dad."

Was there a time that she resented you because you cannot spend more time with her?

"She never said that..."

Did you feel?

"Ah, no...not even. She's really very good person. And mahirap lang talaga noong time na ‘yun kasi, talagang bata pa ‘ko. And I wanted so many things in my life and I just felt, during that time, she was better being taken care of by my ex-husband [Modesto Tatlonghari]."

Kay Nicole...if there's any? "Kay Nicole, wala...wala. We're really good."

Kay Zia? "Kay Zia, wala rin."

Ayon kay Boy, wala raw sa tough 10 ang tanong niya. Pero kung mag-a-apologize raw kaya si Zsa Zsa kay Karylle, ano ang sasabihin niya?

"I'm really sorry. I've said it a lot of times. I was just young. Things starting to change because I grew up, I matured and I realized so many things that we're out there for me and I wanted for my life. Ang hirap eh."

Aren't you so blessed that today, you are okay?

"Yes, yes...that's true and I am so blessed and with three wonderful girls, I am so lucky. Because you know, when others talk to me about their children's problem, parang sobra-sobra ‘yung blessing ko.

"Minsan, binibiro ko si Dolphy, ‘di ba, ang lucky-lucky ko? Hahaha! Kasi siya, ang dami-rami niyang naging anak, marami siyang naging problema. Marami siyang pinagdaanan. So, sabi niya, alam mo, ang suwerte mo nga sa mga anak mo, ang babait."

Anong dasal mo ngayon?

"I pray the rosary everyday. Just recently, I offered one whole rosary for Karylle for her to have a movie project. Kasi, parang ‘yun na lang ang kulang to complete her here in Channel 2. So, sana magkaroon siya ng movie under Star Cinema and I would really be the first to line up and watch it."

Tough Question 1: At this point, gaano kahalaga sa inyo ni Dolphy ang makasal?

"Sana kung mangyari ang annulment. Natatawa raw ako, pero, actually seryoso...six years na kasi siya, ‘yung kaso, but it's still ongoing. Sadly..."

Pero ‘yun lamang ang dahilan kung bakit hindi kayo nakakasal? "Oo..."

Halimbawa at maayos ‘yan, magpapakasal kayo?

"Ayokong i-jinx, parang na-jinx na kasi noong una. Ayoko ng umasa and I don't wanna be saying that I never wanted to do it because I have three girls. You know, I might not be setting good example if I'll say, I don't believe in marriage because I still do believe in marriage."

"In God's time," ang nasabi naman ni Boy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN