Vilma: A Woman for All Seasons airs grand finale, Aug 29


Vilma Santos poses happily in New York while filming the Star Cinema film In My Life. The August 29 episode of Vilma: A Woman for All Seasons will focus on her upcoming movie.


Ngayong Sabado, ipapalabas na ang huli at grandest episode ng five-part TV special na Vilma: A Woman for All Seasons.

Nitong mga nakaraang Sabado, ipinakita sa mga manonood ang respetadong aktres bilang artista, performer/TV host at dancer, bilang ina, kaibigan at kapatid, at bilang unang babaeng Gobernador ng Batangas. Ngayong Sabado (August 29), mapapanood na ang sneak peek ng bagong pelikula ng Star for All Seasons na In My Life kasama sina Luis Manzano at John Lloyd Cruz at sa ilalim ng direksyon ni Olive Lamasan. Ipapalabas na ang Star Cinema film na ito simula September 16, 2009.

Noong nakaraang Sabado ay nagkaroon na nga ito ng patikim nang mapanood ang full trailer ng pelikula na mainit na tinanggap ng mga viewers.

Bilang pagtatapos sa isang buwang selebrasyon ng TV special ay may treat si Ate Vi para sa kanyang mga fans at supporters. Maging una sa makakanood ng ilang exclusive movie scenes at clips mula sa New York, piling interviews ng cast at crew at trivia sa inaabangang pelikula maging ang eksklusibong sneak peek sa mga behind-the-scenes shots. Masisilayan din ang extensive feature sa kanilang mga location sa New York, kasama na ang feature sa Filipino gay community.

Makakasama niya ang panganay na anak na si Luis at si John Lloyd bilang hosts sa episode na ito. Usap-usapan din ang sensitibong eksena ng dalawang binata (na gumaganap bilang mag-boyfriend sa pelikula) kaya naman inaabangan ito ng marami.

Kwento ng anak at co-star na si Luis, "She's trying her best not to be a stage mom but of course, there are a few, indirect acting tips here and there but my Mom knows naman na si Direk Olive ang bahala sa movie and she completely respects that. It shows na may tiwala siya sa akin as an artist and that's very nice to know. She looks past me being her son."

Huwag palampasin ang exclusive feature na ito ngayong Sabado (August 29) sa Vilma: A Woman for All Seasons pagkatapos ng Maalaala Mo Kaya sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN