El Romantiko of PBB strikes back

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 2, 2007
While dancing with Maricris, Nel boldly told the girl from Italy: "I like you that much. I don't know why. I just woke and [I thought], ‘Gosh, I have this feeling for you.' But I hope you understand about it. [Sighs] Naka-dance ako sa birthday mo saka ako yung unang tao na nag-greet sa ‘yo ngayon ng happy birthday." "Hindi, si Wendy ang nauna," responds an embarrassed Maricris.

Mula sa pagkakaroon ng crush kay Wendy ay biglang nabaling ang pagkagusto ni Nel sa housemate from Italy na si Maricris.

Sa mga nakalipas araw ay hindi nakatakas sa matatalas na camera sa loob ng bahay ni Kuya ang pagiging malapit ng dalawa.

Malayo sa mga naunang eksena ng pagpapa-cute ni Nel sa mga babaeng housemates, kitang-kita ngayon ang pagiging desidido ng binata sa panliligaw kay Maricris.

Noong March 29, tuluyan na ngang nagtapat ang "el romantikong" Ilonggo kay Maricris tungkol sa espesyal niyang nararamdaman para sa dalaga.

Pero tila nasayang ang lakas ng loob na inipon ni "Mr. Perfect" sa pag-amin ng kanyang L-O-V-E for Maricris dahil feeling ng babae ay kalokohan ang mga pinagsasabi ni Nel!

"Gusto ko malaman mo na if you don't like it, wala akong magagawa...parang nakalublob ang isang paa ko ngayon," ma-dramang sabi ni Nel kay Maricris.

"Pwes, i-ahon mo...di ko alam nararamdaman ko ngayon," sagot naman ng dalaga.

Continue reading below ↓

Bakit kaya hindi mapaniwala ni Nel si Maricris? May pag-asa kaya si "Mr. Perfect" sa pagkakataong ito? Nararamdaman niyo na ba na "love is in the air" para sa dalawa? Huwag magpahuli sa sa Season 2 ng Pinoy Big Brother sa ABS-CBN Primetime Bida.

Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother, PBB
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
While dancing with Maricris, Nel boldly told the girl from Italy: "I like you that much. I don't know why. I just woke and [I thought], ‘Gosh, I have this feeling for you.' But I hope you understand about it. [Sighs] Naka-dance ako sa birthday mo saka ako yung unang tao na nag-greet sa ‘yo ngayon ng happy birthday." "Hindi, si Wendy ang nauna," responds an embarrassed Maricris.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results