Ezekiel is the second evictee from PBB Season 2

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 2, 2007
Pinoy Big Brother Season 2 host Toni Gonzaga reminded Zeke of the time when he dressed up in Filipiniana costume and took on a new identity as Imelda. Even though he was highly entertaining, he was still booted out of the reality show.

Noong nakaraang linggo pa lamang ay inihanda na ni Dionne ang kanyang sarili sa paglabas ng Big Brother House.

Malakas ang pakiramdam ni Dionne at maging ng iba pang housemates na ang Cebuana actress na ang magiging second evictee ng Pinoy Big Brother Season 2 pero nang dumating ang eviction night, lahat pala sila ay pawang malaking akala lamang.

Si Ezekiel ang pangalawang housemate na napalayas sa Bahay ni Kuya matapos makakuha ng pinakamababang boto mula sa taumbayan.

Sa limang housemates na nominadong matanggal sa Big Brother House, muling nanguna si Gee-Ann sa pagkuha ng pinakamataas na porsyento ng boto.

30.76% of votes ang nakuha ni Gee-Ann, 20.16% naman ang kay Beatriz, 17.43% kay Wendy, 15.98% of votes kay Dionne, at 15.67% of votes kay Ezekiel.

Kitang-kita ang dikit na laban ng boto sa pagitan nila Dionne at Zeke kaya naman maraming manonood ang napasigaw nang i-announce ng host na si Toni Gonzaga ang final tally of votes.

Continue reading below ↓

Sa kabila ng resulta ng boto, nakangiti pa ring humarap sa live audience ang second evictee na si Ezekiel na sinalubong ng kanyang napaka-gandang mommy.

Bilog talaga ang mundo kaya't walang makakapagsabi kung sino ang susunod na magpapaalam sa tinaguriang "teleserye ng totong buhay."

Patuloy na subaybayan ang Pinoy Big Brother Season 2 pagkatapos ng Maria Flordeluna.

Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy Big Brother Season 2 host Toni Gonzaga reminded Zeke of the time when he dressed up in Filipiniana costume and took on a new identity as Imelda. Even though he was highly entertaining, he was still booted out of the reality show.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results