Will Shaun Rodriguez be taken out of Survivor Philippines: Palau?


Shaun Rodriguez of the Airai tribe was rushed to the hospital after sustaining an injury in Survivor Philippines: Palau. Will he be able to return to camp on time or will he forfeit his chance to become the second Pinoy Sole Survivor?


Talagang nagkasakitan ang mga castaways ng Survivor Philippines: Palau sa kanilang pinakahuling immunity challenge.

Hindi lamang kasi ang immunity idol na magliligtas sa kanila sa tribal council ang matatanggap ng mananalong tribo kundi makaliligo rin sila nang maayos sa kauna-unahang pagkakataon, dahil makatatanggap sila ng mga toiletries gaya ng sabon at shampoo.

Perol sa tindi ng laban, nagkabalyahan at nagkasakitan ang castaways.

Sa higpit ng pagkakapit ng ultimate crush na Marvin Kiefer ng tribong Koror na nagpakitang gilas pa sa kanyang galing sa martial arts, napagod ng husto ang hot dad ng tribong Airai na si Shaun Rodriguez.

Napuna na lamang ng Survivor Philippines: Palau host na si Paolo Bediones na parang hinang-hina at hindi na makakilos si Shaun habang ginagawa ang challenge.

Sinabi ni Shaun na naramdaman niyang parang may pumutok sa kanyang ribs at may nakita ring namuong dugo o pasa sa kanyang tiyan, kaya't hindi na nito natapos ang laban at kinailangang isinugod ito sa ospital.

Dahil dito, nabawasan ng isang malakas na miyembro ang Airai para ituloy ang immunity challenge at tanging ang mga babaeng sina Maya Segovia at Mika Batchelor na lamang ang kinailangang tumapos ng laro.

Ngunit habang wala si Shaun, sinamantala naman ng mga babae ng tribong Airai ang pagkakataon para palakasin ang kanilang alyansa laban sa mga lalaki.

Makabalik pa kaya si Shaun sa loob ng bente-kwatro oras bago ito tuluyang mapatalsik sa isla bilang isang castaway?

Manalo pa kaya ang Airai laban sa Koror sa challenge?

Ito na kaya ang kanilang maging kauna-unahang pagharap sa tribal council upang magtanggal ng isang myembro ng kanilang tribo?

Abangan ang mga tumitinding eksena sa Survivor Philippines: Palau, simula Lunes hanggang Biyernes ng gabi, pagkatapos ng Adik Sa'Yo, sa GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN