TV5 will air one-hour documentary Paalam, Cory tonight


TV5 will pay tribute to the late president Cory Aquino through a one-hour documentary titled Paalam, Cory. It will be aired tonight, September 9, at 8:00 pm.


Bilang memorial tribute kay Corazon C. Aquino sakanyang ika-40 araw ng kamatayan ngayong araw na ito, mulingbibigyang-buhay ng TV5 ang kagitingan ng unang babaeng presidente ng Pilipinas. Ngayong Miyerkules, September 9, magugunita ang buhay ng democracy icon sa one-hour documentary special na pinamagatang Paalam, Cory. Ang respected columnist and TEN (The Evening News) contributor na si Conrado de Quiros at host na si Cheri Mercado ang makakasama ng mga viewers ngayong gabi.

Inaanyayahan ng TV5 ang lahat ng mga Pilipino na maglaan ng ilangsandali para alalahanin ang buhay ni President Cory—isang bayani at inang demokrasya—sa pamamagitan ng heart-to-heart interviews sa mgakaibigan, pamilya, at mga malapit na tao sa kanyang personal na buhayat buhay-pulitika.

Ipapakita nina De Quiros at Mercado ang isip, puso, pananaw, atkarakter ng presidenteng nagbalik sa bansa ng kalayaan at demokrasya. Pati na rin ang kanyang pagiging mapagmahal na ina sa kanyang pamilyaat sa bansa, na patuloy pa ring nagiging dahilan upang magkaisa ang mga mamamayan.

Sa ika-40 na araw matapos ang pagpanaw ng isang tao, naniniwala ang mgaKatoliko na aakyat na sa langit ang kaluluwa ng pumanaw at makakasamaang Panginoon. Kaya sabay-sabay tayong mamaalam, alalahanin, at isapuso ang mgainiwan niyang ginintuang aral ngayong panahonng pagsubok ng bayan, at para sa mga darating na henerasyon na kinabukasan ngating bayan.

Saksihan at pagnilayan ang magandang alaalang iniwan ni President CoryAquino—isang ina, at isang alagad ng demokrasya at kabutihan, saspecial tribute na Paalam, Cory ngayong gabi, September 9, 8:00 pm sa TV5.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN