Jackie Rice admits being unprofessional in the past


"Kasabay ko siyang naging pasaway. Happy ako na naka-angat na siya," says Jackie Rice (in photo) about her StarStruck Season 3 batchmate Iwa Moto. Jackie, who was named Ultimate Female Survivor, admits that she used to take her work lightly.


Bago live na interbyuhin ni Mo Twister si Jackie Rice sa Gimme Mo segment ng Showbiz Central, ipinakita muna ang ilang video clips nang manalo si Jackie Rice sa StarStruck Season 3 as the Ultimate Female Survivor. Pero kasunod na nga nito ang ilang mga titulo pang ikinabit sa kanya tulad ng pagiging pasaway at iba't-iba pang intriga.


MOST WANTED QUESTION: Napabayaan mo na nga ba ang career mo?

"You can say that. Kasi, noong StarStruck, 15 lang ako nu'n. So, I was very young. Hindi ko pa alam kung ano ang ginagawa ko. Akala ko, okay lang lahat kasi, wala naman talagang nagga-guide sa akin noong time na ‘yun and ngayon, siyempre, nakikita naman nila na seryoso naman ako."

So, ano ang naging pinaka-malaking problem niya noon, lumaki ba ulo niya, yumabang?

"Hindi, e. Palagi akong nali-late sa trabaho. Sa set ko na sinasaulo ang script. Hindi ako nagiging professional."

What is that—did she feel that she was a big star already?

"No, hindi pa nagsi-sink in sa akin na artista na ko. Feeling ko, bata pa ko na puwede kong gawin ang lahat."

So, spoiled child ka dati?

"Ah, parang ganu'n ba?" natatawang sagot namin ni Jackie.

You're 19 now. Do you think by now, nagbago ka na?

"Oo naman! Alam ko na kung ano ang priorities ko sa buhay. Trabaho talaga. Hindi naman forever nandito to, e."


MOST WANTED QUESTION: You were named Ultimate Female Survivor, pero ngayong nakikita mo kasabayan mo like Iwa Moto, do you feel na, dapat ako ‘yun dahil ikaw ang nanalo?

"No, haping-hapi po ako for Iwa. Kaibigang-kaibigan ko si Iwa. Since dati pa, since StarStruck. Kasabay ko siyang naging pasaway. Happy ako na naka-angat na siya. I'm sure, soon, mararating ko rin ang narating niya at happy ako sa kanya sobra. Siguro nga, kung hindi ko nagawa ‘yung dati, siguro, kasabay ko siyang pinapalakpakan ng mga tao."

May inggit ka ba or not exactly kay Iwa, but naiinggit ka sa whole takbo ng career nila?

"Wala naman talagang inggit. Kasi, may paniniwala ako na kung para sa akin ‘yan, para sa akin ‘yan. Kasi minsan, nasa akin na ‘yung script, minsan mawawala pa. Ganoon naman dito sa showbiz na dati hindi ko alam."


MOST WANTED QUESTION: Sinabi mo sa isang interview na ayaw mo ng umibig muli because when you fall in love, you give everything to the man. Sa susunod na relationship mo, paano mo mame-make sure na hindi mo na mapapabayaan ang career mo and you will not give everything to the guy?

"Siyempre, tumanda na rin naman na ako. At sa lahat ng relationship ko, may natutunan ako. Nakilala ko ‘yong sarili ko. This time, ayoko muna. Mas gusto kong mag-trabaho muna. ‘Yun na nga, ang dami na ngang makauna sa akin, uunahin ko pa ang love. Love can wait."

After posing in Maxim [last July 2009], will you do a lot of sexy roles?

"Well, yung message ko nga noong mag-Maxim ako, akala kasi ng iba, magbo-bold na ko. Pero, ang message ko ru'n, seryoso na ko sa ginagawa ko. Kaya ko ng makipagsabayan at gusto ko, lahat ng ginagawa ko, may lalim, may katuturan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN