Maricel Soriano's Florinda will end on October 2

Sep 25, 2009
Florinda (Maricel Soriano) finds out that her fiance Ramil (Jay Manalo) is still alive. Will they rekindle their romance on the ABS-CBN teleserye Florinda?

Ang primetime series na naghahatid sa inyo ng hilakbot gabi-gabi ay magwawakas na sa October 2, 2009.

Binalot ng sindak ng nag-iisang Diamong Star na si Maricel Soriano kasama ang iba pang bituin ng Florinda na sina Cherry Pie Picache, Nikki Gil, Roxanne Guinoo, Jay Manalo, William Martinez, Carla Martinez, Aaron Junatas at Zanjoe Marudo. At sa pagtapak nito sa huling linggo, isang kagimbal-gimbal na rebelasyon ang inyong matutunghayan.

Sa pagtatapos nito, susundan ni Florinda (Maricel) si Criselda (Cherry Pie) kung saan daldalhin siya nito sa isang secret door. Sa kanyang pagpasok, madidiskubre ni Florinda ang isang hindi inaasahang rebelasyon. Makikita niya na buhay pala si Ramil (Jay Manalo) na inakala niyang pumanaw na noon pa.

Anong gagawin ni Criselda ngayong nabunyag na ang kanyang sikreto? Susuko ba ito o manlalaban pa? Itutuloy kaya ni Florinda at Ramil ang kanilang naudlot na pagsasama?

Humanda na sa mga kasindak-sindak na mga tagpo na mangyayari sa pagwawakas ng Florinda, sa Primetime Bida ng ABS-CBN.

Continue reading below ↓
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Florinda (Maricel Soriano) finds out that her fiance Ramil (Jay Manalo) is still alive. Will they rekindle their romance on the ABS-CBN teleserye Florinda?
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results