Case Unclosed uncovers destruction left behind by Ondoy


This pile-up of cars was photographed by Ara Mina when she visited her house in Provident Village, Marikina City. GMA-7's late-night show Case Unclosed will uncover more stories of destruction and survival in its October 1 episode.


Isang malaking trahedya ang dala ng tropical storm Ondoy sa Pilipinas. Ang Maynila, nagmistulang dagat. Umabot na sa mahigit dalawang daan ang namatay at patuloy pang nadadagdagan. Milyon-milyong halaga ng mga ari-arian ang nawala. Sa laki ng pinasala marami ang nagtatanong, ano bang nagyari? Ano ba ang dapat na aksyong ginawa?

Sa pagsisiyasat ng Case Unclosed, muling babalikan ni Arnold Clavio ang mga bagyong puminsala sa Kamaynilaan nitong nakaraang sampung taon, upang alamin ang mga problemang hanggang ngayon tila hindi pa rin nalulutas.

At sa panibagong banta ng nalalapit pang mga bagyo, magiging handa na kaya ang lahat sa dala nitong pagbaha?

Alamin ngayong Huwebes sa espesyal na pagtatanghal ng Case Unclosed tungkol sa pinsalang dala ni Ondoy, pagkatapos ng 24 Oras.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN