Meet the 14 housemates of Pinoy Big Brother Double UP


Pinoy Big Brother Double Up hosts (from left) Mariel Rodriguez, Toni Gonzaga and Bianca Gonzalez welcomed the 14 housemates during the opening of PBB last night, October 4.


Matapos ang halos isa't kalahating taon nang pamamahinga, muling binuksan ni Kuya ang kanyang bahay para sa mga piling Pinoy housemates ng Pinoy Big Brother Double UP noong Linggo (October 4). Labing-apat na na housemates mula sa iba't ibang sulok ng Pilipinas at ng mundo ang magsasama-sama at maglalaban-laban para sa mga pa-premyong hatid ng nasabing reality show.

Sa kanilang kick-off na pinamagatang "The Magical Reveal," isa-isang na-reveal ang mga housemates in a magical entrance at magically, ay naglaho din sila mula sa stage.

Unang nakilala ang Sexy Vamp ng Cebu na si Princess Manzon na talaga namang nag-uumapaw ang sex appeal. Nanirahan siya kasama ang kanyang lolo at lola at panandaliang nanirahan sa sa Japan kasama ang ina.

Nasundan naman ito ng pagpasok ng poging Romantic Stud ng Samar na si Tom Mott. Ang 22-year-old guy na ito ay nakatira sa San Francisco at mas pinili na pumasok sa Bahay ni Kuya imbis na pumasok sa US Navy.

Magkasunod namang ipinakilala sina Delio Dimaculangan, ang Simpatikong Kusinero ng Batangas at si Paul Jake Castillo, ang Negosyo Prince ng Cebu. Si Delio ay nagtatrabaho bilang cook sa isang restaurant. Hanggang Grade 6 lang ang kanyang inabot sa pag-aaral. Si Paul Jake naman ay isang adventurous guy na successful businessman sa edad na 21 years old.

Agaw pansin naman ang ma-angas na Boy Astig ng Mindoro na si Jason Francisco. Lumabas ito nang nakasuot ng aviator shades at inamin na isa siyang Lola's boy dahil lumaki siya nang wala sa piling ng kanyang ama.

Marami naman ang natawa kay Inday Kengkay ng Gensan na si Melisa Cantiveros. Ayon sa mga nakakakilala sa kanya, ang funny girl na ito ay punong-puno ng positivity.

Sa limang magkakaibang lenguahe naman bumati ang Multi-lingual Hottie ng Japan na si Yuri Okawa. Ginamit niya ang Portuguese, Spanish, Nihongo, English at Tagalog upang pasalamatan ang mga manonood ng PBB.

Nakilala rin ng mga viewers ang Conservative Pharmacist ng Tondo na si Carol Batay. Graduate siya ng Industrial Pharmacy mula sa University of the Philippines Manila. Never pa siyang nagkaroon ng boyfriend.

Nakuha rin ng dalawang single moms ang atensyon ng audience sa kanilang back to back story, angStruggling Mom ng Davaona si Mariel Sorino na gustong maging independent from her parents at si Yhel Punzalan, ang Young Widow ng Pampanga na nagbuntis at edad na katorse at na-biyuda at 20 years old.

Noong Linggo ng gabi rin ini-reveal ang dalawa sa ibig sabihin ng DOUBLE UP. Una nga dito ay ang revelation ng dalawang set ng twin housemates: ang Santos Twins na sina Toffi, ang Basket-Bolero ng Rizalat si Kenny, ang Joker Jock ng Rizal na ang palatandaan lang ng kanilang pagkakaiba ay halos dalawang pulgadang (2 inches) pagitan ng kanilang mga height.

Sumunod na ipinakilala ang Lagumbay Twins na sina JP ang Jetsetter Dad ng QC at si JM, ang Mr. Congeniality ng QC na madi-distinguish lang dahil isa sa kambal ay may dimples. Si JP ay isang flight attendant samantalang si JM ay isang IT specialist.

Ang ikalawang definition ng Double Up: dalawa ang bahay ni Kuya, at dalawang set ng housemates ang maninirahan dito. At ang una ngang task na ibinigay ni Kuya ay para sa dalawang pares ng double up housemates na kailangang maitago ang sikretong may ka-double up sila, at dalawa ang bahay ni Kuya.

Ayon kay Kuya, isa lang sa kanilang apat ang mabuking sa kanilang secret task, ay apat silang mafo-force evict. Paano kaya ang diskarte ng dalawang pares ng double up housemates?

Abangan kung sinong mga housemates ang unang napansin o nagpa-pansin sa ibang housemates mamayang hapon kasama si Mariel Rodriguez sa Uber pagkatapos ng Maria De Jesus. Alamin ang buong kuwento sa Primetime Bida with Toni Gonzaga pagkatapos ng Dahil May Isang Ikaw at kilalanin ang mga housemates with Bianca Gonzalez sa PBB Double UPlate.


CLICK HERE to view photos of the event.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN