Wendy and Bruce go on a date inside Kuya's house

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 10, 2007
Bruce Quebral chose Wendy Valdez as his movie date while Nel Rapiz (not pictured) served as their waiter for the night.

Naisakatuparan na rin ang pinakahihintay na sandali ni Bruce—ang movie date nila ng kanyang crush na si Wendy.

Si Bruce ang maswerteng housemate na nakatanggap ng ika-walong tawag ni Kuya sa big red phone mahigit isang linggo na ang nakakaraan na nagbigay sa kanya ng pagkakataong magkaroon ng special date with a special someone.

Si Bruce mismo ang pumili kay Wendy para makasama niya sa isang sa nasabing date dahil gusto pa raw niya itong makilala ng mas mabuti.

Aminado si Bruce na humahanga siya sa ganda ng "commercial babe" at ganun din naman nararamdaman ni Wendy para sa kanya.

Para maging memorable ang date ng dalawang housemate, naghanda si Big Brother ng isang big screen sa activity area ng kanyang bahay at ‘70s model car na nagsilbing upuan nila Bruce at Wendy upang bigyan sila ng "drive-in movie effect."

Kakaiba talaga ang dating ng movie date ng dalawa dahil si Nel pa ang tumayong food server nila na nakasuot ng roller blades para mas mapanindigan ang classic theme ng okasyon.

Continue reading below ↓

Ang sikat na horror film na The Ring ang pinanood ng dalawa kaya tulad ng inaasahan ay napayakap si Wendy kay Bruce nang matakot ang dalaga sa isang eksena ng pelikula.

Ito na nga ba ang simula ng bagong love team sa Bahay ni Kuya? Si Bruce na nga ba ang magpapabago sa paniniwala ni Wendy na ang lahat ng lalaki ay insensitive? Subaybayan ang magandang pagtitinginan nila Bruce at Wendy sa Pinoy Big Brother Season 2.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bruce Quebral chose Wendy Valdez as his movie date while Nel Rapiz (not pictured) served as their waiter for the night.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results