George and Cecil sitcom moves to new timeslot


Zoren Legaspi (not in photo) will be a special guest in the October 11 episode of George and Cecil. ABS-CBN's romantic sitcom, starring Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo) will air on its new timeslot tonight at 8:30 p.m.


Aminado ang guwapong-guwapo pa ring si ZorenLegazpi na nakikita niya sa bagong kasal na sina Judy Ann Santos at RyanAgoncillo ang samahan nila ng partner niyang si Carmina Villaroel.

"Tulad kasi namin ni Carmina, dinadaanlang naming sa biro lahat ng isyu na ipinupukol sa aming dalawa," paliwanagni Zoren.

Napuna ito ng dating matinee idol sa setng romantic comedy na George and Cecil kamakailan kung saan nakasamaniyang muli si Juday at nakatrabaho sa unang pagkakataon si Ryan. Halatangclick na click silang tatlo sa isa't isa at nakuha pang payuhan ni Zorenang dalawa sa kanilang buhay mag-asawa.

"Dapat give and take lang and be satisfiedsa partner mo kasi ayan na ayan. Siya na ang napili mo," sabi niya.

Pagdating naman sa pagiging isang ama,simple lang ang paalala ni Zoren kay Ryan at yun ay ang tamang pagtantyakung kelan gagampanan ang maraming papel ng isang tatay sa kanyang anak.

"Bilang ama dapat flexible ka. Alam modapat kung kelan ka magiging father, kaibigan, kaaway, yaya, teacher okung ano pa man sa anak mo," dagdag pa nito.

Tila beterano na nga si Zoren sa mga nabanggitna papel na kanyang ginampanan pero sa darating na Linggo (October 11) isangbagong papel ang kanyang susubukan bilang miyembro ng sindikato na nagingwitness sa George and Cecil.

Malalagay nga sa alanganin sina Georgeng wala siyang ibang magawa kung hindi iuwi sa kanilang bahay ang statewitness na si Rico at protektahan ito sa mapanganib na kalabang sindikatokung saan siya tumiwalag. Saan kaya hahantong ang mga eksenang ito?

Tunghayan iyan ngayong Linggo (October 11)sa George and Cecil sa bago nitong oras na 8:30 p.m. sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN