Survivor Philippines: Palau castaways gang up on Tara Macias


Tara Macias, dubbed as the Taray Queen ng Cebu, gets picked on by her Sonsorol tribemates. How will she react to this situation? Find out on Survivor Philippines: Palau.


Sa Individual Immunity Challenge ngayong linggo, pagkakaisahan ng lahat ng mga castaway si Tara Macias upang hindi ito makaligtas sa susunod na tribal council ng Survivor Philippines: Palau.

Harapang inapi-api ng mga katribo niya ang tinaguriang Taray Queen ng Cebu. Halos mangiyak-ngiyak si Tara nang nalaman niyang tila wala na siyang kakampi sa mga katribo.

Sa umpisa pa lamang ng merge o pagsasanib ng Koror at Airai tribes upang maging miyembro ng Sonsorol Tribe, naging target na kaagad ng mga castaway si Tara upang matanggal ito ngunit si Marvin Kiefer muna ang kanilang binoto.

Matatandaang pinatikim ni Tara ng kanyang katarayan at walang tigil na litanya ang dalawa niyang katribong sina Mika Batchelor, ang Sexy Chef ng Palawan, at ang Raketistang si Charles de Vera Fernandez ng Dagupan City.

Mula noon ay hindi na nakasundo ni Tara maging ang iba pang mga castaway kung kaya't gagawin ng kanyang mga katribo ang lahat upang hindi mapanalunan ng Taray Queen ang Immunity Necklace.

Ngunit bago gawin ang isang "Patatagan" challenge, mayroon na namang katribong nakabangga at nakasagutan ang pinaka-mataray at madaldal na castaway.

Sino ang bagong makakatikim sa mga ratsada ni Tara? Paano haharapin ng ‘Taray Queen' ang mga castaways na nais na siyang patalsikin sa isla? Siya ba ang mananalo sa Individual Immunity Challenge?

Mapapanood ang Survivor Philippines: Palau gabi-gabi sa GMA Telebabad pagkatapos ng Rosalinda.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN