Business and pleasure mix in My Shuper Sweet Lover


Real-life couple Joshua Zamora and Jopay Paguia topbill Daisy Siete Season 24: My Shuper Sweet Lover. It is set in a shoe store where the lead actors vie for the rightful ownership of a big business empire.


Thankful ang producer ng Focus E na si Joy Cancio dahil nasa 24th season na ang Daisy Siete at pitong taon na itong napapanood sa GMA-7. Ipalalabas na sa Lunes, October 19, ang kanilang bagong mini-series titled My Shuper Sweet Lover.

Nagpasalamat si Joy sa entertainment press na dumalo sa press conference last Monday, October 12, held at Mugen Bar in Metrowalk, Pasig City, dahil sa walang sawang pagsuporta sa kanila at sa Sexbombs. Ganoon din sa GMA Network sa patuloy na pagsuporta para tuluy-tuloy pa ring maipalabas after Eat Bulaga! ang naturang palabas. Grateful rin sila sa mga viewers sa patuloy nilang pagsubaybay sa Daisy Siete kaya laging mataas ang rating nila.

Ang lead actor na si Joshua Zamora ay gaganap bilang may-ari ng Shoe Center. Katambal niya ang real-life girlfriend niya na si Jopay Paguia. Ang karakter naman ng Jopay ay delivery girl-driver ng isang water drinking station. Ang mga karakter ay naglalaban sa isa't isa upang angkinin ang isang malaking business empire.

Biniro ng press ang dalawa ngayong magtatambal sila, open na ba silang ipakita ang relasyon nila dahil two weeks ago, na-grant na ang annulment ng kasal ni Joshua sa wife niya after five years. Kailan ba ang wedding?

"Mas open na kami, magaan ang pakiramdam namin ngayon," nakangiting wika ni Joshua. "Hindi pa kami ready na magpakasal ngayon. Thank you kay Tita Joy na muli niya akong kinuha para sa Season 24 nila. "

Natatawang sagot naman ni Jopay, "Siguro kung sweet kami sa personal, gagawin pa naming mas sweet ang mga eksena namin sa romantic-comedy show namin, para may kilig. Ang wedding, saka na po iyon, paghahandaan pa namin, trabaho na po muna kami."

Pero may mga twist sa story dahil parang aso't pusa kapag nagkikita sina Jopay at Joaqs (Joshua) dahil may boyfriend si Jopay, si Migs (Felix Roco) at may girlfriend naman si Joaqs, si Aifha (Aifha Medina). Pero lagi silang pagtatagpuin sa mga sitwasyon na hindi nila alam at sa dakong huli, mari-realize nilang nai-in love na sila sa isa't isa.

Napansin sa presscon na wala si Rochelle Pangilinan at hindi pala ito kasama sa bagong season ng Daisy Siete. Ano ang nararamdaman ni Jopay?

"Sa totoo lang po, kinakabahan talaga ako na wala si Ate Rochelle," sagot ni Jopay. "Nasanay na po ako na kung hindi man siya ang bida, pumapasok din siya sa story kahit guest lamang, lagi siyang sumusuporta sa mga episodes na ginagawa ko.

"Pero alam na rin po naman namin, bago pa simulan ang Season 24, na hindi talaga namin makakasama si Ate Rochelle. May mga shows po siyang gagawin, guest po siya sa Bubble Gang taping sa Japan.

"Aalis nga po kami sa Wednesday (yesterday, October 14) for some shows sa Canada, kasama namin sina Izzy, Yvette, Danielle at Weng. Pero hindi po kami magtatagal doon. Pero si Ate Rochelle, may mga shows po siya sa Las Vegas sa November, kaya hindi po siya talaga puwedeng mag-taping. Basta gagawin na lamang namin ang kaya namin, at inspirasyon namin si Ate Rochelle."

Kasama pa rin sa My Shuper, Sweet Lover, sina Sunshine, kapatid ni Jopay, star model ng Shoe Center at hinahabol-habol ang amo niyang si Joaqs; Izzy, kapatid ng namatay na ama ni Joaqs na pipiliting maagaw ang Shoe Center sa mag-inang Joaqs at Marinella (Marissa Sanchez). Kasama rin sina Dick Israel, Janice Jurado, Carme Sanchez, Aaron Flores at Sexbombs, Danica, Monic, Weng, Aira, Danielle, Mia, Louise, Jay R de Guzman, Jack Rodrigo, child actor Julian Trono at si Tariq.


Sa direksyon ni Rowel Ikamen, magsisimula na itong mapanood sa Monday, October 19, after Eat Bulaga sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN