Maricar Reyes plays a hunchback in MMK


The characters of Maricar Reyes and Carlo Aquino have a budding romance in the October 17 episode of Maalaala Mo Kaya.


Isang very challenging episode ang gagampanan ngayon ng isa sa up andcoming stars ng ABS-CBN na si Maricar Reyes. Bilang kuba, kakayanin ba niyang i-conquer ang pag-ibig o pangingibabawan pa rin ba siya ng awa sa sarili atpangmamata ng tao? 'Yan ang mapapanood sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado, October 17.


Pagkatapos na mag-generate ng positibong reaksyon bilang Karen saLovers in Paris, ngayon iba na namang papel ang ipamamalas ni Maricar,na nagpapakita early on ng versatility with the different roles sheportrayed for the past months.


Makakasama ni Maricar dito si Carlo Aquino sa direksyon ni Nick Olanka. Nagkagusto ang binata sa kabila ng pagiging hunchback ni Maricar at malaking agwat sa kanilang edad. Ngunit hindi matanggap ng ina ng binata na magkatuluyan silang dalawa. Mapatunayan kaya ng karakter ni Carlo na ibang-iba nga ang dalaga sa lahat ng babaeng nakilala niya?



Kasama rin sa episode na ito ang former Pinoy Fear Factor participante na si Manuel Chua.


Mapapanood ang Maalaala Mo Kaya tuwing Sabado sa ABS-CBN.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN