Mark Anthony Fernandez joins the cast of "Impostora"

by Nitz Miralles
Apr 10, 2007
Mark Anthony Fernandez (in photo) is the latest addition to the cast of GMA-7's upcoming drama series, Impostora, which also features Sunshine Dizon, Iza Calzado, and Alfred Vargas.


Nabalitaan ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na kasama sa cast ng Impostora si Mark Anthony Fernandez. Sila ni Alfred Vargas ang leading men ng bagong teledrama ng GMA-7. Ang hindi pa lang sigurado ay kung sino kina Sunshine Dizon at Iza Calzado ang kanilang makakapareha.



Excited na raw si Mark na mag-taping sa kanyang first primetime show sa Kapuso Network. Sa June 18 nakatakdang magsimula ang airing ng Impostora bilang kapalit ng Asian Treasures nina Angel Locsin at Robin Padilla.

Walang tatangging magaling na aktor si Mark. Ngayon ay makikipag-sabayan ito sa galing nina Sunshine at Iza. Si Mark ay anak nina Rudy Fernandez at Alma Moreno.



Ang Impostora ay nagsisilbi ring reunion nina Sunshine at Iza, na unang nagkasama sa Kung Mawawala Ka, na nasundan ng Encantadia/Etheria.

Parehong excited ang dalawa sa muli nilang pagsasama dahil magkakatulungan daw sila sa kanilang mga eksena. Nagkasama na rin sila sa pelikulang Sabel ni Judy Ann Santos, pero wala silang eksenang magkasama.

Continue reading below ↓

Si Maryo J. delos Reyes, na balik-GMA-7, ang direktor ng Impostora.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mark Anthony Fernandez (in photo) is the latest addition to the cast of GMA-7's upcoming drama series, Impostora, which also features Sunshine Dizon, Iza Calzado, and Alfred Vargas.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results