ON THE SET: Stairway to Heaven stars shoot wedding dance


Rhian Ramos and Dingdong Dantes showed their dancing skills during a recent taping of Stairway to Heaven in SM North Edsa, Quezon City. This wedding-gown fashion show will be shown in the coming episodes of the GMA-7 show.


Nagkagulo ang mga tao sa SM North The Blocknoong Miyerkules, October 14, nang mag-shooting sa ground floor ang cast ngGMA-7 show na Stairway to Heaven. Lalo pa silang na-excite nang makitanila ang mga bidang sina Dingdong Dantes, na nakasuot ng suit samantalang siRhian Ramos naman ay nakasuot ng all-white wedding gown na akala mo'yikakasal na sa altar. Kasama nila ang iba pang cast members ng TV showtulad nina Jean Garcia, Jestoni Alarcon, Sandy Andolong, Glaiza de Castro, atCarlo Gonzales.

Sumikat kamakailan ang isang video ng isangkasal kunsaan ang entourage ay nagsayaw sa aisle ng simbahan papunta sa altar.Parang ganito ang naging concept nang mag-shoot on location ang Kapuso stars.

Nagpakitang-gilas sa pagsasayaw si Rhian nang magsayaw siya sa gitnang aisle patungo kay Dingdong. Kinuha ng aktor ang kamay ng aktres at inikotniya ito ng ilang beses bago sila nagtungo sa harap. Ang mga nakatayong "abay"naman ay nakasuot ng formal suit at violet na mga gowns.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng Stairway to Heaven, muling magtatagposina Cholo (Dingdong) at Jodi/Jena (Rhian) sa isang wedding scene sa mgadarating na linggo. Mukhang nagkaka-mabutihan na marahil ang pagsasama ngdalawang dating nagmamahalan.

Kuwento ni Dingdong bago mag-taping, "Yungshooting ngayon is for the fashion show by Sherryn [Karen Delos Reyes] whereshe is launching her wedding collection. Abangan n'yo na lang yung mangyayari."

Sa katunayan, bukod kay Rhian, may mga babae rin na nakasuot ng iba't ibangestilo ng wedding gown.

Dagdag ni Dingdong, "Habang mas tumatagalna-enjoy ko siya. Nagkakaroon na ng life yung istorya. Kasi parang it startedon a very high note na peak ng love story nila ni Jodi. Pero ngayon nag-uumpisasa light at ligawan stage. Very playful, mas enjoy."

Kuwento pa ni Dingdong, everything he hasdone for Stairway to Heaven ay naging challenging.

"Hindi siya madali. Because you cannotforce that. Ito yung acting na hindi mo puwedeng ituro. It should comenaturally. Kahit na sabihin mo na memorize mo yung line, hindi ibig sabihin namagkakaroon ng magic. It's how you deliver it," sabi ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Focus lang ako kung paanogampanan yung role ko. Even siguro in between takes, I'm still in characterpara hindi mabitawan. Para consistent. Kasi kapag nagpahinga ako sandali, it'shard to get back into character," dagdag niya.

What does he feel now that he has a newonscreen partner in Rhian Ramos?

"Okay yung working relationship namin. Wala kaming problema coz in order forsomething to work, nagkakasundo kayo at some point. And yun yung maliwanag saamin dito. We both like what we are doing. Seryoso tayo dito," sagot niDingdong.

Dingdong has his own theory on why he and his leading lady haveso much chemistry together on television.

"You will feel truth. You will know kungyung message ng pag-act at portrayal is mararamdaman ng audience.Nagpapasalamat ako sa life experiences kasi 'yan ang nag-inspire sa akin. Kasithat's why I know how to react in certain scenes because it happened to mebefore."

He also appreciates what Direk Joyce Bernalhas taught him in this drama series.

"Marami akong natutunan sa kanya as adirector. Basta in terms of acting, hindi lang siya ka-trabaho pero nagingteacher ko siya. Sa pag-aarte, especially dito, ang laki ng influence ni direkJoyce na talagang director siya in everything. Kahit sa pinakamaliit nadetalye, siya yung nag-di-direk. Kahit nga may ipis kaya niyang i-direk saeksena. Tingnan mo yung sa Kimmy Dora,may ipis. Yun yung naging highlight ng film," pabirong sabi ni Dingdong kung saankasama din siya sa nasabing comedy film.

Assurance lang ni Dingdong sa mga sumusunodsa nasabing show, "Sana lang mas marami pa makapanood. Sana makabalik na yungopportunity sa kanila na makapanood. We are guaranteeing them a good show."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN