Babaha ng luha sa Survivor Philippines Palau ngayong gabi, Oct 25


Will the alliance of Mika and Shaun crumble? Find out tonight in the October 25 episode of Survivor Philippines Palau.


Matapos makuha ni Charles, ang Raketista ng Dagupan, angimmunity necklace sa Survivor Philippines Palau, muling nabuhay angusap-usapan ng mga natitirang babaeng castaways tungkol sa puntirya ng kanilangsolid na alyansa: ang "Hot Dad" ng Zambales na si Shaun.


Plantsado na sana ang lahat, pero aksidenteng narinig atnabuking ni Shaun ang plano ng mga babaeng castaway kung kaya’t hiniram niya saJapinoy Hunk na si Suzuki ang Hidden Immunity na una na nilang nahanap sapamamagitan ng mga clue. Sinabi ni Shaun kay Suzuki na siguradong siya natalaga ang isusunod kaya’t kailangan niya ang immunity bracelet para hindi siyamatanggal sa laro. Buong tapat na binigay naman ito ni Suzuki.


Kaya’t para malinawagan, hinarap ni Shaun si Mika atnagtanong kung bakit siya ang planong tanggalin. Mariin naman itong tinanggi niMika at sinabi na may hindi lang daw pagkakaunawaan dahil ang talagang planonilang tanggalin ay ang Transexual Beauty Queen na si Justine. Kunwari lang dawna si Shaun ang plano para hindi makahalata si Justine.


Kahit na may minsang pinagsamahang alyansa sina Shaun atMika, kumbinsido sila pareho na may lamat na ito. Alam ni Shaun na hindinagsasabi ng totoo si Mika. Alam naman ni Mika na isang malaking threat siShaun kung kaya’t nararapat na itong ilaglag—tulad ng ginawa niya sa datingkaalyansang si Cris Bolado.


Ngayong Biyernes ng gabi, saksihan ang pagbagyo ng emosyon,at pagbaha ng luha mula sa madamdamin nilang paghaharap sa ika-apat na TribalCouncil ng Sonsorol.


Tuluyanng nga bang mawawasak ang samahan ng dating solid Airai alliance nina Mika atShaun? Si Justine nga ba ang ilalaglag ng alyansa ng kababaihan at dito na banagtatapos ang kanyang pananatili sa laro? Gagamitin nga ba ni Shaun angkanilang nakuhang hidden immunity? Sino ang makakakuha ng kinatatakutang bloodpearl na may automatic two votes sa ika-limang tribal council?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


Huwagpalampasin mamayang gabi ang pinakamadadaming pamamaalam sa reality show naito.


Mapapanood ang Survivor Philippines Palau pagkatapos ng Rosalindasa GMA Telebabad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN