JC Tiuseco hosts Survivor Philippines: Palau Exclusive


First Pinoy Sole Survivor JC Tiuseco will bring updates about the castaways three times a day in his new show called Survivor Philippines: Palau Exclusive.


Nasaksihan noong Biyernes, October 23, ang isa na namang makapigil-hininga’t emosyunal na Tribal Council sa Survivor Philippines: Palau, kung saan ang "Japinoy Hunk" ng Tondo na si Suzuki Sadatsugu ang naging ika-apat na miyembro ng jury mula sa Tribong Sonsorol.

Ngunit matatandaang taos-pusong ibinigay muna ng Criminology student na si Suzuki ang natagpuang "hidden immunity object" kay Shaun Rodriguez, ang "Hot Dad" ng Zambales upang makaligtas ito sa Tribal Council.

Kung hindi ipinagkatiwala ni Suzuki kay Shaun ang immunity bracelet, siya sana ang natanggal sa unang round pa lamang ng botohan na nagresulta rin sa pagiging tie ng kanilang boto ng "transsexual beauty queen" na si Justine Ferrer.

Ngunit sa pagsalang sa ikalawang round ng pagboto ng mga natitirang castaways sa pagitan nina Suzuki at Justine, ang Japinoy na ang natanggal laban sa transsexual.

Labis na kalungkutan ang nadama ni Shaun na napaluha pa sa pagsasakripisyo ng kanyang kaalyansa at kaibigang si Suzuki. Ito ay bukod pa sa katotohanang siya ang tunay na target ng kanyang mga katribo, partikular ng mga babaeng castaways.

Manatili kayang nakakapit sa kanilang alyansa si Jef at si Charles o kumalas na kaya ang dalawa sa mga itinuturing na lider ng tribo?

Makaligtas kaya muli si Shaun sa susunod na Tribal Council? Sino ang kanyang mga magiging bagong kaalyansa?

Ngayong Lunes, October 26, sino ang makakakuha ng isang madamdaming reward sa isang challenge na susubok sa kanilang katatagan?

Lalo pang masusubukan ang tibay ng alyansa, tiwala, pagsasamahan at pagkakaibigan ng anim na natitirang castaways gabi-gabi sa Survivor Philippines: Palau, sa GMA Telebabad, pagkatapos ng Rosalinda.

Mapapanood din ang mga update tungkol sa castaways sa Survivor Philippines: Palau Exclusive tatlong beses sa isang araw simula ngayong Lunes, October 26, kasama ang kauna-unahang Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN