Kuya scolds housemates for making fun of "Lola Puring"

by Jocelyn Dimaculangan
Apr 12, 2007
When Gee-Ann transforms into an old blind woman, she decides to adopt the name of her grandmother, Lola Puring, for the day.

Dahil sa nakitang pagbibiro ng ibang mga housemates kay Gee-Ann alyas Lola Puring, pinatawag ni Kuya ang mga housemates sa confession room.

"Ang pagiging bulag ay isang sensitibong kapansanan...kapag nakakakita ba kayo ng bulag sa lansangan pinagtatawanan ninyo? Binibiro?" tanong ni Big Brother sa mga nakokonsensyang housemates.

Inamin naman ng mga housemates ang kanilang pagkakamali sa ipinakitang panloloko sa matandang bulag at humingi ng paumanhin ang mga ito sa kanilang ginawa.

"Kayo ay nasa loob ng aking bahay para maging magandang ehemplo sa lahat," dagdag na paalala ni Big Brother sa mga housemates.

Samantala, habang nasa confession room ang mga housemates ay inakala naman ni Gee-Ann na pinagtataguan siyang mga ito kaya't nagsalitang mag-isa ang dalaga sa sala ng bahay at hinawi-hawi ang kanyang baston sa pagbabakasakaling naroon lamang ang mga housemates.

Paglabas ng confession room, kapansin-pansin agad ang magandang pakikitungo ng mga housemates sa kanilang Lola Puring pero for good na kaya ito? Sundan ang mga kabanata sa buhay ni Lola Puring sa Pinoy Big Brother Season 2.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Pinoy Big Brother, PBB
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
When Gee-Ann transforms into an old blind woman, she decides to adopt the name of her grandmother, Lola Puring, for the day.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results