SIS Hit Bulilit talent search for kids launched on GMA-7


Children aged 5-10 years old can join the "SIS Hit Bulilit" talent search of GMA-7. Carmina Villaroel (in photo) interviews young tots for her GMA-7 morning show SIS.


Sinimulan kamakailan ang pinakabagong talent search para sa mga kids sa GMA-7 talk-variety show na SIS! Mapapanood ang pasiklaban ng pinakamaabilidad at pinakabibong tsikiting sa "SIS Hit Bulilit."

Ang "SIS Hit Bulilit" ang pinakabagong talent search para sa lahat ng kids kung saan puwede silang magpasikat, gamit ang kahit na anong special skills na meron sila.

Inaanyayahan ang lahat ng bulilit na 5-10 years old, puwedeng solo or grupo, na may kakaiba at nakakagulat na talento na mag-audition sa talent search.

Kinakailangang magdala ng original at photocopy ng kanilang birth certificate, at full-body at close-up photos.

Non-stop kasiyahan ang magaganap sa "SIS Hit Bulilit." Ito na ang pagkakataon ng lahat ng bulilit na magpakitanggilas at ipakita ang kanilang kakaibang galing sa SIS, na siyang napili kamakailan bilang Best Talk Show sa 31st Catholic Mass Media Awards.

Magkakaroon ng auditions sa November 2 sa SM Valenzuela kung saan makikisaya sina Janice de Belen, Tessbomb, Aljur Abrenica, Kris Bernal at ang Abztract Dancers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN