Melissa Ricks recalls her kissing scene with Jolo Revilla in Pepeng Agimat


Melissa Ricks says that Jolo Revilla was nervous when they shot their kissing scene for the upcoming ABS-CBN show Pepeng Agimat. The second installment of ABS-CBN’s Agimat will start airing on November 7, 2009.


Bilang leading lady ni Jolo Revilla sa Agimat Presents Pepeng Agimat, aminado si Melissa Ricks na nakakaramdam siya ng kaba sa kanyang susunod na TV show sa ABS-CBN. Iniisip ng young actress kung kaya ba nilang pantayan ang success ng Tiagong Akyat na pinagbidahan ni Gerald Anderson.


"Actually kinakabahan kami kasi nauna yung Tiagong Akyat, mataas yung ratings, maganda yung story, talagang magsisikap kami na pagandahin pa but since we have the same director, si Direk Don-Don [Santos], tiwala kami na kaya namin ito," ani Melissa.

Masayang ikinuwento ni Melissa sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na di niya inexpect ang malalim na bonding na nabuo sa kanila ng mga kasamahan while taping Pepeng Agimat.


"Sa amin ring mga artista, di namin inasahan na lahat kami magiging magkaibigan na parang magbabarkada. Kami ni Jolo, akala ko ang magiging working relationship namin ay magkatrabaho lang, di kami nag-uusap. Nung una nayayabangan ako sa kanya but as days went by, naging magkakasundo kami and even with our staff, lahat kami nagbibiruan. Nung natengga kami sa Subic ng ilang oras, umikot kami sa Starbucks. Nag-bonding kami. Excited ako lagi sa taping ng Pepeng Agimat and sana mag-reflect siya sa show namin."

Kinumpirma rin ni Melissa na may kissing scene nga sila ni Jolo.


"Nakunan na siya few days ago. Nakakatawa, nailang siya, inulit namin, ang cute nung scene. Hindi naman ako masyadong nailang kasi mabait naman talaga si Jolo, may kaunti lang kasi it’s my first time working with another actor as a loveteam."

Di itinago ni Melissa na nakaramdam din siya ng kaunting worries na baka hindi matanggap ng mga fans nila ni Matt Evans ang pakikipagpareha niya sa ibang aktor. Mabuti na lang at suportado naman sila ng kanilang mga tagahanga kahit ipareha sila sa iba. Masayang ibinalita sa amin ni Mel na balik-tambalan sila uli ni Matt sa bagong show na pagsasamahan nila uli ng ka-loveteam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


"Three years din kaming magka-love team ni Matt, nag-worry din ako kahit papaano kung paano magre-react ang mga fans namin kasi pina-pair ako sa iba but okay naman sa kanila. Supportive sila kahit na ipareha kami sa iba.


"Magkakaroon din naman kami uli ni Matt ng bagong show kasama ’yung dating mga nakasama na namin."


Naibalita na sa PEP kamakailan na magsismula na nga mag-taping sina Matt Evans at Melissa para sa kanilang pagsasamahang soap opera. (CLICK HERE to read related article)

Pinagtatakhan ng marami kung bakit di na lang daw siya sinama sa episode ni Jake Cuenca sa Agimat at sila na lang ang pinagpareha.

"Di ko alam, depende ’yan sa management kung kanino kami ipe-pair. Tiwala ako sa management na ipinareha ako kay Jolo kasi siguro may makikita silang chemistry sa amin. Ako naman kahit saan ako ilagay ng management and I’m happy with the Agimat team."

Unit-unti ay nag-iiba na ng image sila Maja Salvador, Kim Chiu at Erich Gonzales. Bukas din kaya si Melissa na magpa-sexy nang kaunti at gumanap sa mga mature scenes?


"Siguro kasi ’yung mga projects na binibigay sa kanila, it required na may love scenes, kissing scenes pero yung projects na ibinibigay sa akin, di pa kailangan ng ganung eksena. Di naman puwedeng ipilit ’yon pero siguro pag dumating yung mga roles na ganun, na nire-require talaga nung characters, kami ni Matt [ang gagawa]."


Ang second installment ng Agimat ay mapapanood sa ABS-CBN simula ngayong Sabado, November 7, 2009.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN